Malaki ang tiyan at bothered πŸ˜ͺ

Palagi po ako pinagsasabhan na malaki daw ang tiyan ko at 7 months na daw. Pero 23 weeks and 2 days palang po si baby. Hindi naman ako malakas kumain, may mga times nga na ulam lang kinakain ko, prutas o gulay. Nahihilo na rin ako pag nakatayo kahit ilang minuto lang. Dalawang beses na po ako nakunan bago ako po ako nabuntis ulit. Worried po ako baka po masyado po bang malaki si baby pag malaki ang tiyan? Diet na po talaga ako kahit minsan gusto ko pa kumain. Pero si baby po 4 months palang active na siya sa tummy ko nffeel ko na talaga ang galaw niya. May same experience po ba sa akin dito na malaki din ang tiyan para sa height niya?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo mi, malaki daw ang tyan ko para sa 6mos. Even dati lagi sinasabi malaki nga hehe. Pero unbothered ako kasi normal naman lahat ng result ng ultrasound and laboratories ko. If same sayo na normal naman lahat, kalmahan mo lang mi. Ma stress kalang sa mga side comments nila, if na bothered ka talaga pwede ka naman mag ask sa ob mo about sa size ni baby. And iba iba po ang bawat pag bubuntis.

Magbasa pa
10mo ago

Normal din mi lahat ng lab ko pati sa ultrasound. less rice nalang talaga ako, mabuti nalang feel ko si baby na malikot sa tiyan ko. Next visit ko tanong ko nga ulit sa OB ko kung normal naman yung laki.

Anong sabi ng OB mo mii? Meron kasi malaki magbuntis pero maliit lang pala si baby. Wag mo pansinin yang mga naririnig mo hindi naman sila ang buntis, mai stress ka lang. Sa OB ka lang makinig

10mo ago

Sabi ng OB mi normal naman daw ang laki ni baby last check up ko. Balik ako this August track ko ulit yung laki niya kung malaki ba masyado. Thank you mi.