ako ba talaga yung masama?
Palabas naman ng sama ng loob mga sis 😢 Ang bigat kase sa loob ko, parang feeling ko, ako pa yung masama. Di na ko pinakikinggan ng asawa ko sa lahat ng sinasabi ko. Pag nagsasalita ako, dedma, walang pake, labas sa kabilang tenga. 🤦♀️🤦♀️ Ganito kasi un mga sis, nag bday kasi yung panganay ko 3 y.o nung June 28. Ang usapan namin ni asawa, dito sa bahay namin maghahanda (Sa parents ko kasi ako nakatira kasama yung 2 kong anak, si mister dun sa kanila kapitbahay lang kasi namin) kasi ung 2 bday nya, doon palagi. Ang usapan, handa na ulam lang at cake then magdadala nalang sa kanila. Kasi bawal mag invite sa bahay, since may newborn ako(2 weeks old). So eto na, nung bday nung anak ko, nagpuntahan sila dito. Yung mother nya, 2 nyang kapatid. Yung isa nyang kapatid, nag gagrab food. Syempre prangka na tayo, expose sa labas yun diba. May konting handa din silang dala. At eto pa! Ininvite pa ng ate ni mister yung tita nilang tomboy. At kasama pa ang jowa. Ang masakit pa don, expose din un sa labas dahil naniningil un sa lending. At QC ang iniikutan nya. Q.C din sya nakatira. At napapadpad pa ng SJDM! Wala na kong nagawa, tapos nagpapa bless sila sa anak ko, nilalawayan nila pwera usog daw lalo na ung newborn ko 🤦♀️Kinarga ng tita nila newborn ko, tapos puro talsik laway sa mukha kase grabe kung magsalita yun e. Ang tapang pa ng amoy ng yosi. That time pag punta nya, nakainom pa sya! Pag sinasabi ko kay mister na bat naman ganon, sabi ko walang bisita. Sinabihan na rin sya ng nanay nya na magdala nalang ng food doon at wag na mag invite pa ng iba dahil nga may mga bata. WALA! WALANG NAKINIG! Ngayon, ung newborn ko kinabukasan after bday, inubo't sipon. Pati toddler ko inubo. At pati na rin ako inubo. 🤦♀️ Buti nalang pagaling na ung 2 kong anak. Ako nalang na may konting ubo pa. Takot na takot ako. Halos ayaw kong tulugan mga anak ko, kase inoobserve ko maya maya ng temp baka nilalagnat, etc. Hibang na hibang ako. Nawiwindang ako. Kase syempre may virus diba. Ung toddler ko last yr naadmit ng broncho, nilagnat ng mataas nag seizure, nahimatay. Syempre nagpapalakas pa lungs nya until now diba .Natrauma ko dun ng husto. Kaya halos ayaw matulog ng katawan ko makapag bantay lang sa kanila. Pag sinasabi ko un sa asawa ko, wala lang. Alam mo ung nag eexpect ka na mag sorry sya? Na mag salita manlang sya sa family nya na MAG INGAT MUNA SA NGAYON, IWAS BISITA. Alam mo un? Parang walang concern sa mga bata. Nagkasakit nga mga anak ko, sya puro tulog lang dito e. Ni hindi nga sya nag aalala kada uubo newborn ko. Ako pa lumalabas na masama. Sinasabi nya na "para yun lang". Ewan ba. Nakakainis! Ang damot ko ba? Ang sama ko ba? Nang didiscriminate ba ko? Nandidiri ba ko sa kanila? Un kase pinalalabas nya e. 😢