Ang buhay ko

Hi palabas naman ng saloobin. Ang hirao talagang maging solo parent nu. Tas ung sinasahod mo sa work mo di pa minimum. Pano mo mapagkakasya ung 4k na sahod sa isang kinsenas. Bbili ako gatas at diaper budget kopa, mg aabot pako sa tita ko para sa kanya parang tulong na den sa pag aalaga nia sa anak ko. ? hirap na hirap na ako. Lalo ngyon. Wala ng gatas anak ko. Kaya nag bearbrand muna sya pang samantala. Naaawa ako sa anak ko. ? ung gusto ko syang ipasyal pero diko magawa kse walang pera. Diko na alam ggawin ko. Giveme some advice wala akong masabihan ng saloobin ko. Parang walang tao na gusto makinig sakin ? #singlemother Ang hirap. Kakapagod

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahit Wala na kayo ng tatay ng anak Mo. Mandatory na magbigay sya ng financial support sa anak nyo. Kasal man kayo or not. Kung ayaw magbigay file a case. Ako di ako napayag na di sya magbigay monthly. Parehas kmi gumawa nito. Parehas kami maghirap.

6y ago

May sadyang mga lalaki na makakapal ang muka! Yung tatay ng anak ko naman 3 yrs. Old na anak namin nung naghiwalay kami.. Since then, di sya nagbigay ng suporta sa anak ko.. Turning 11yrs. Old na anak ko.. Sabi nya, kung may kailangan daw anak ko sabihin ko lang sa kanya? Tanga at kalahati sya, kung mabuti at responsable syang ama, magbibigay sya sabihan man sya o hindi.. Ang thinking nya, pakikinabangan ko din pera nya.. Eh di isaksak nya sa baga nya pera nya.. Kahit naghirap ako nun mabigay lang needs ng anak ko hindi kami lumapit sa kanya.. Nagkabaon baon din ako sa utang nun.. Pero God is really good talaga.. Hindi nya kami pinabayaan ng anak ko..