Ang buhay ko
Hi palabas naman ng saloobin. Ang hirao talagang maging solo parent nu. Tas ung sinasahod mo sa work mo di pa minimum. Pano mo mapagkakasya ung 4k na sahod sa isang kinsenas. Bbili ako gatas at diaper budget kopa, mg aabot pako sa tita ko para sa kanya parang tulong na den sa pag aalaga nia sa anak ko. ? hirap na hirap na ako. Lalo ngyon. Wala ng gatas anak ko. Kaya nag bearbrand muna sya pang samantala. Naaawa ako sa anak ko. ? ung gusto ko syang ipasyal pero diko magawa kse walang pera. Diko na alam ggawin ko. Giveme some advice wala akong masabihan ng saloobin ko. Parang walang tao na gusto makinig sakin ? #singlemother Ang hirap. Kakapagod
Kaya mo yan,. Dati ako lng dn ngwowork, 4rt year college pa ko nun nabuntis at nanganak ako.. My scholarship ako 6k monthly.. Pero nakaya ko mag isa, kse inaalagaan nmn sya ng parents ko. Ng mkagraduate ako, nagwork ako kaagd,. Then nagfile ako sa PAo ng support ng ama ng anak ko.pero wlang nangyare, pero nakaya ko pa dn yun mag isa.. Ngayun 6yrs old na anak ko.. Nagpunta nmn kmi dswd pra mgsupport sa anak ko, ksi nagaaral na sya.. Di ko na tlga kaya,. Ayun, ngbibigay na sya kung kelan 6yrs na anak nya..
Magbasa paapply nlg po kau ibng work. 4k is not enough po tlga :( try nyu po call center. wag po kayu muna mgresign, you can apply on your free day and if matangap kau dyan lg kayu magresign. dmeng benefits mkukuha mo may HMO pa kau preho ng anak mo. if ayaw nyu po mag resign tlga sa current work nyu po try nyu po mgonline selling like benta ng preloved clothes mga damit sa ukay2 ganun
Magbasa paMommy be strong.. Pag di ka naging matatag pano na lang yung baby mo? Dumadating talaga sa punto na kailangan natin makaranas ng hirap to be more wise, strong and independent.. As long as hindi ka nagnanakaw, makakayanan mo yan.. Always pray.. And gawa ka sideline like selling ng kung ano ano.. Yung kahit mababa lang puhunan at kita atleast may nadadagdag po hindi ba?
Magbasa paKaya mo yan sis ako magdadalwa na ank ko wala yung hubby ko tapus mangangank pa ko.. ako lang lahat ng aasikaso para samin ng anak ko.. ngayon kabuwanan ko na mag isa ko pupunta sa ospital kasi wla iba ko maasahan.. malayo mga parents ko nagtatrabaho ako kahit buntis ako.. kasi kawawa kami pag di ako kumilos.. kaya lahat ng iyan pinagdarasal ko na lang
Magbasa paOo try mo sa call center di tlaga kakasya 4k kinsenas. Wag kang matakot sa interview o sa magiging trabaho mo believe me, di ako magaling mag english pero nakapasok ako at pag nakapasok ka na matututo ka din habang tumatagal. Pinaghandaan ko lang interview ko nanuod ako ng nanuod sa youtube tpos nag papratice ako sa harap ng salamin
Magbasa paTry nyo po mag karoon ng ibang pagkakakitaan. Tutal naman po tita nyo nag aalaga sa baby mo. Kung kaya lang naman po. Kasi yung aasa ka talaga sa sweldo mo as a minimum wager, hndi po talaga kakasya yan sa pang araw araw nyo ni baby. Gatas pa lang magkno na. Kaya mo yan mamsh. Pra kay baby β€π
Kahit Wala na kayo ng tatay ng anak Mo. Mandatory na magbigay sya ng financial support sa anak nyo. Kasal man kayo or not. Kung ayaw magbigay file a case. Ako di ako napayag na di sya magbigay monthly. Parehas kmi gumawa nito. Parehas kami maghirap.
May sadyang mga lalaki na makakapal ang muka! Yung tatay ng anak ko naman 3 yrs. Old na anak namin nung naghiwalay kami.. Since then, di sya nagbigay ng suporta sa anak ko.. Turning 11yrs. Old na anak ko.. Sabi nya, kung may kailangan daw anak ko sabihin ko lang sa kanya? Tanga at kalahati sya, kung mabuti at responsable syang ama, magbibigay sya sabihan man sya o hindi.. Ang thinking nya, pakikinabangan ko din pera nya.. Eh di isaksak nya sa baga nya pera nya.. Kahit naghirap ako nun mabigay lang needs ng anak ko hindi kami lumapit sa kanya.. Nagkabaon baon din ako sa utang nun.. Pero God is really good talaga.. Hindi nya kami pinabayaan ng anak ko..
Hi momshie. Stay strong. Try mo po mag-online business kung kaya ng time. Basta anything na pwedeng pagkunan ng extra income. Gaano na ba katanda si baby? If one year old na mahigit, pwede naman na siyang magswitch sa bear brand. π
Kaya mo yan mommy aq nga single mom with 2 kids pero knkaya q college na ngyon mga anak q at aq parin wala aqng inaashan ..makuntento na muna qng anong meron magiging maluwag ka din po nyanππ»πππ»
mommy, dapat may support po sayo ang father ng baby mo. kausapin mo sya jan kasi hindi lang naman ikaw may responsibilidad sa anak nyo.. goodluck momsh. malalagpasan mo din yan