Stress

Palabas lang po ng saloobin mga mommies... Ewan ko ba pero everytime na nagkukwento mother ko sa mga kaibigan o kamag anak namin tungkol sa baby bump ko na di kalakihan kahit na kabuwanan ko na naiinis ako, madalas din kasi nya ako kinukumpara sa anak ng kumare nya na ang laki ng tiyan, di makontrol daw sa pag kain kaya sobrang manas pero ngayon nakaraos na. Ngayon paulit ulit nagsasabi sakin ang mother ko na maglakad lakad pa daw ako kagaya ng ginagawa ng anak ng friend nya which is lagi ko naman ginagawa ang walking pati ang pag i-squats, tapos bakit daw kaya ang liit ng tiyan ko umiinom ba daw ako lagi ng vitamins samantala yung anak daw ng friend nya ang laki sigurado daw ba ako na umiinom ako ng mga vitamins, nakakainis lang kasi alam ko naman sa sarili ko na ginagawa ko yung best ko at ng husband ko para kay baby pero parang pinapalabas nya ay hindi at pinapaulit ulit pa sinasabi sa mga nakakakwentuhan nya na ang liit daw ng tiyan ko. Tapos nung nakaraang araw nagbubunot ako ng buhok sa kili kili ko bigla akong sinaway at pinagalitan sabi nya masama daw magbunot ng buhok sa kili kili ang buntis mamamaga daw? tapos pati yung pag inom ko ng malamig na tubig bawal? eh ang init init ng panahon haaays ewan ko ba pero hindi talaga ako naniniwala sa mga pamahiin kapag buntis

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din samin mamsh, sobrang mapamahiin. Nakaka stress lalo nat alam mo namang inaalagaan mo yung baby mo. Hindi nga ako makapagbili ng mga gamit in advance kasi pangit daw yun. Lagi ko nalang ginagawa is nagpre-pray, sa Diyos lang tayo maniwala mamsh. Yun nalang nagpapalakas ng loob ko eh.

5y ago

trueee always pray nalang talaga para sa safe delivery at sa health ni baby kahit na kung ano anong stress sa ibat ibang bagay ang dumadating