Kuripot Na Soon To Be Hubby

Palabas lang po ng hinanaing ? Napapagod na din po kasi ako mag isip. I am on my 18th week of pregnancy and plan namen ng father ng baby ko na magpakasal. Kaso yun father nun baby ko, sobrang kuripot na feeling ko pati kame ni baby pinagkukuriputan nya. ? May time kasi na nagpalaboratory ako, lumipat ako ng OB kasi lagi pa rin po ko may konting spotting. Kahit na may healthcard ako, umabot un lab fees ng 3k kasi sa dami nun test na pinagawa sa akin. Ngayon, inabonohan ko muna pero sinabi ko sa kanya na hati na kame. Sinabihan nya ako na bakit ang mahal, sabi ko di kasi covered un iba ng healthcard. Tapos sinabihan na nya ko ng kung ano ano, na kesyo dapat kasi naghanap muna ako ng ibang laboratory, baka mas makamura or kaya dapat di na ko lumipat ng OB. ? Ang sama talaga ng loob ko kasi lahat ng check ups ko, libre naman. (Malaki kasi un coverage nun healthcard ko, almost 50k sa maternity). Di naman din sya pinabibili ko ng medicines ko. Actually, sya lang ang bahala sa gatas ko. Sa akin, okay lang. Kasi working pa rin naman ako at above average ang salary. Kaya ko lang naman sya siningil kasi para maramdaman naman nya un responsibilidad nya sa amin mag ina. Di ko akalain na ganun magiging reaction nya. Btw, nakatira kame ngayon sa bahay ko na kasama lang namen is un tita na nagpalaki sa akin. Wala talaga syang gaanong gastos sa amin bukod sa weekly nyang binibigay na 500 sa tita ko para sa food nya at minsan pagbili bili nya ng extra ulam pag weekends. Ako lahat gumagastos sa utilities namen kasama na internet pati un plan ko. Never ako nanghingi kasi di pa naman kasal kaso sa nangyayari ngayon, i doubt kung makakapanghingi pa ko ng wala syang kontra. ??? At ngayon naman, plan namen magpakasal. Pinaglilista ko sya ng guest nya, ayaw nya ilista kesyo 12 lang daw invited nya ?. Balak lang namen is 60 pax kasi fam ko un madami dito sa manila, sya kasi taga Aklan. Tapos ang binyag e sa kanila, salitan lang ba. Hindi na nga sya tumutulong sa akin magplano, pag may sinabi ako, lahat kontra. Kasi gusto ko man lang, bukod sa okay na food, meron souvenir un bisita so naghahanap ako photobooth at kahit decent pictures man lang so need ng photographer. Pero ayaw nya, parang gusto lang nya eat and run. Ginagawa ko na nga lahat ng paraan para makatipid, kinausap ko un kaofficemate ko na into photography, pumayag naman sya na picture-an kame. Un nakuha kong photobooth nasa 3500 na. 3 hrs na un. Tapos option ko is catering (nagoffer bestfriend ko na sa clubhouse na lang nila kasi mas mura dahil taga dun sya) or kaya mga resto like Max's kasi may wedding package sila na affordable naman na. Nakakastress lang kasi ang tanging gagawin na lang nya e pumayag, lagi pa syang nakakontra. Pero kaya nyang bumili ng ps4 nya or kaya mga cd sa ps4 nya ng isang bagsakan samantalang, para sa akin at kay baby, nagrereklamo sya. Nagiisip tuloy ako, itutuloy ko pa ba to kasi baka dumating ang araw na mawalan ako ng work e alilain nya ako at tipirin kame ng sobra. Haay ??

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naku mommy, early signs and symptoms na yan. Unang una, hindi naman kailangan madaliin ang pagpapakasal (for me). Kasi may incoming lo na kayo. Pwede naman ipagpaliban yun hanggang makaraos ka. Focus muna sa gastusin mo at sa baby. Lalo na at ganyan ka kuripot ang bf mo. Hirap din ah na sayo halos lahat gastos. Ano sya spoon feeding ganurn? Wag mo stressin sarili mo sa pag-iisip tungkol sa kasal at the same time sa pagbubuntis mo. Dahil kung ganyan naman ka kuripot ang bf mo, aba mag-isip isip kana kung magpapatali ka dyan at magutom kung sakaling manganganak kana at wala pang trabaho.

Magbasa pa

Grabe naman po. Tutuusin dapat wala syang reklamo kasi para naman un sa baby. Tyaka sa totoo lang dapat ikaw na din naghahawak ng pera niya kasi nabuntis kana nya e. Ngayon pa nga lang na di kayo kasal pinagdadamutan kana pano pa kaya pag kasal na kayo. Pag isipan mo din po ung kasal mamsh, pang lifetime commitment yan ih.

Magbasa pa

Mommy magisip ko kung ako sayo wag k n lang magpakasal wala naman s kasal o hindi kayo kasal..ang importante matugunan o maibigay lahat ng mga pangangailangan nyo ni baby..saka mahirap din pagkasal pano kung talagang di kayo magkasundo ng ama ng anak mo at dumating yung tym n magkahiwalay kayo pero wag naman sana..tapos nakakita k o sya ng bagong mamahalin e di ang hirap kumawala dahil kasal kayo magastos n nga pgpapakasal masmagastos p ang annulment..kaya mgisip k kung itutuloy mo p ganyang di kayo magkasundo kahit naman di mgpakasal may reponsibilidad o obligasyon yung ama ng baby mo dahil anak nya yon.

Magbasa pa
Super Mum

Sis on my opinion hndi pa sya ready magka pamilya. Swerte na nga sya sayo kasi hndi na sya npapagastos eh tapos magrereklamo pa sya ikaw na nga gmagawa lahat. Think twice sis, ngayon pa lang gnyan na pano nlng kung kasal na kayo. In my honest opinion lng po sis ha wag kang magalit sa sinabi ko.