For mommies read this..?

PAIBA IBA NA EDD....ALIN PO BA ANG TAMA? Madalas tanungin ng patient yan lalo pag nagpa ultrasound kami after 37 weeks nya. Tandaan na ang EDD ay guide lang, diba nga fake news lang ang due date, hindi sya deadline na kelangan na lumabas ang baby. So pwede 2 weeks earlier or 2 weeks after EDD lumabas ang baby nyo kasi nga 37-42 weeks ang term pregnancy at ang EDD ay 40 weeks. SO ALIN ANG TAMA? ang tama or mas malapit sa totoo EDD nyo is ung EDD sa first ultrasound, ideally first trimester ultrasound, yong transvaginal ultrasound pa lang sya. ang mga late ultrasound lalo na ung late 3rd trimester na, ang EDD nyan naka depende kung ano ang age ng baby sa ultrasound, at ung age ng baby depende naman sa sukat nya sa ultrasound. So example, ginalingan mo kumain kahit sinabi ko sayo na mag limit ka na sa carbohydrates. Lumabas malaki sya sa totoo age nya, then mag iiba na naman EDD mo. Or medyo napa diet ka, hindi sya ganon lumaki, ang lumabas sa sukat nya mas bata sya sa totoo age nya, so mag iiba na naman EDD. Wag malilito. Sa mga late ultrasounds, ang tinitingnan lang namin dyan is ung estimated fetal weight, yong grading ng placenta, fetal presentation and ung amniotic fluid. Ok so wala na sana ma stress sa pa iba iba EDD :) hanapin ang first ultrasound lalo na ung TVS pa lang kasi un ang pinaka malapit na tamang EDD. #Copypaste

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Thanks momsh! Medyo worried na kasi ko.. EDD ko sa 1st UTZ July 13. EDD ko sa BPS July 24, 2020. 40weeks & 1 day na ko ngayon. No sign of labor parin.,2nd child ko na though 10yo na yung panganay ko. Kaya medyo nanganganay na parang bago lahat. πŸ˜…

Magbasa pa

pnu namn ung LMP? iba ksi ang due date ko based sa LMP at TVS based sa TVS due date is August 24,2020 but based sa LMP is August 9,2020 sabi nla mas accurate parn ang LMP

Magbasa pa

Nalilito ako kase sa EDD ko sa LMP ko at sa huling ULTRASOUND ko same lang august 6 tapos ung TransV or ung unang check heartbeat ni baby ko ang EDD ko is august 16

Yes this is true πŸ‘ Yan din lagi sinasabi ng ob ko.

binabase kasi ang edd sa utz sa laki ng bata

hindi talaga accurate ang utz

VIP Member

Thank you momsh