PAIBA IBA NA EDD....ALIN PO BA ANG TAMA? Madalas tanungin ng patient yan lalo pag nagpa ultrasound kami after 37 weeks nya. Tandaan na ang EDD ay guide lang, diba nga fake news lang ang due date, hindi sya deadline na kelangan na lumabas ang baby. So pwede 2 weeks earlier or 2 weeks after EDD lumabas ang baby nyo kasi nga 37-42 weeks ang term pregnancy at ang EDD ay 40 weeks. SO ALIN ANG TAMA? ang tama or mas malapit sa totoo EDD nyo is ung EDD sa first ultrasound, ideally first trimester ultrasound, yong transvaginal ultrasound pa lang sya. ang mga late ultrasound lalo na ung late 3rd trimester na, ang EDD nyan naka depende kung ano ang age ng baby sa ultrasound, at ung age ng baby depende naman sa sukat nya sa ultrasound. So example, ginalingan mo kumain kahit sinabi ko sayo na mag limit ka na sa carbohydrates. Lumabas malaki sya sa totoo age nya, then mag iiba na naman EDD mo. Or medyo napa diet ka, hindi sya ganon lumaki, ang lumabas sa sukat nya mas bata sya sa totoo age nya, so mag iiba na naman EDD. Wag malilito. Sa mga late ultrasounds, ang tinitingnan lang namin dyan is ung estimated fetal weight, yong grading ng placenta, fetal presentation and ung amniotic fluid. Ok so wala na sana ma stress sa pa iba iba EDD :) hanapin ang first ultrasound lalo na ung TVS pa lang kasi un ang pinaka malapit na tamang EDD. #Copypaste
Read moreMy Orders