CS Bikini cut

Pahingi naman po ng advice sa mga CS na BIKINI cut po.. First time Kopo kasi m Cs sa November. Ilang araw po kayo bago makatayo after ma CS? And mabuhat si baby. Paano po yung Pag ihi nyo ? Or pag uupo kayo sa c.r bowl dipo ba masakit sa bikini cut kasi maiipit siya Lalo na po kung medyo mataba? Malakas po ba bleeding after CS? Like need tlaga diaper? Ilang days po kayo nag stay sa hospital? Meron po ba CS dito na general anesthesia ginamit? Nag request po ako Kay Ob na gusto ko tulog ako kasi kabado po ako if gising ako and takot DN ako sa mga injections sa likod. Ano po ginawa nyo after Alisin catheter para hindi mahirapan umihi? And sobrang baba po pain tolerance ko..ano po malakas na pain reliever na take nyo? Thank you po..

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po na CS po ako nung June. Kinabukasan po allowed na ko na tumayo kaya nakatayo na ko at nabuhat na si baby. Di naman po ako nahirapan sa pagupo, may binder naman po na suot. Maternity pads po gamit ko, malakas nung unang tayo ko pero kinaya naman na sa mga next hours. Sat po ako nanganak, Monday nadischarge na kami. Gising po ako during operation. Hindi naman po ako nahirapan umihi. Binigyan po ako ng Celebrex para sa pain paguwi ng bahay pero hindi ko na po nainom. Sa hospital lang po ako uminom. Pero pwede po kayo magrequest ng mas malakas kung may pain po.

Magbasa pa
3y ago

salamat po