Am I being selfish???

Pagpasensyahan nyo na po at mejo mahaba... Back story: Isa akong call center agent noon, nang umamin sa akin ang asawa ko na nung nag night-out silang magkakaibigan/magkakatrabaho ay may nakilala syang babae at may nangyari sa kanila... (2015) Now: We have 2kids, stay-at-home Mom na ako, and Im pregnant. For the past years asawa ko lang ang nagwo-work for us. ( at wala kaming problema dun) 2years na sya sa work nya, syempre December na ngayon and its the time of the year for "Christmas Party", "Team Building", "Get Together" at marami pa... This coming saturday, December 7, meron silang "Christmas Party / Team Building" at ayokong syang payagan... Una dahil sa nangyari noon at pangalawa dahil alam kong meron syang workmate na babae na may taglay na kakatihan sa katawan... (Alam ko yun, kase sa phone ko sya nagamit ng messenger kaya nababasa ko yung mga chat and convo sa GC nila) Although mine-make sure naman nya na hindi na ulet mangyayari yung noon, at may tiwala ako sa asawa ko, pero ayoko talagang pumayag kase ilang beses na na-issue yung babae na yun sa trabaho nila... Masyado ba akong makasarili o may enough reason naman ako para hindi sya payagan sa event... Tulungan nyo akong mag-decide mga Momsh. Anong opinyon nyo sa mga ganitong sitwasyon...

Am I being selfish???
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mukang may balak na masama kawork nya hahaha. Normal lang yang nafefeel mo sis. Kung ako siguro di ko papayagan yan. Hindi sa wala kang tiwala sa kanya, dun sa babae ka walang tiwala. Kung sa GC nga lumalandi na, pano pa kaya kapag magkakasama na sila. Eh alam mo naman sa mga ganyan puro inuman talaga. Hindi naman sa nega ako, pero para saken normal na mabigat sa loob mo na payagan sya.

Magbasa pa

Normal lang ang feelings mo sis, pero bigyan mo sya choices, papayagan mo sya kung kasama ka or wag nalang sya pumunta para sa ikapanatag ng damdamin mo. Kasi papayagan mo nga sya pero for sure magdududa at di kalang mapakali and baka sa away lang mapunta. Hayaan mo na yang mga kasamahan niya. Sumama ka wala na sila magagawa duon.kun baga practice your right as a WIFE.

Magbasa pa