8 Replies
mam ipahinga mo muna sarili mo, umuwi ka muna sa magulang mo then isipin mong mabuti kung worth it paba na pakisamahan yang asawa mo or kausapin mo din sya kung ano ba talaga balak nya kasi kung wala syang balak para sa inyo ng anak mo edi e let go muna, single mom din po ako for 5years at nataguyod ko naman mag isa yong anak ko at ngayon nakahanap na ako ng totoong lalakeng mag mamahal sa akin mas responsable kesa don sa totoong tatay ng anak ko.
Umuwi ka po muna sa parents mo, magpahinga at mag isip. Hayaan mo yung asawa mo maghabol at gumawa ng effort para i-win back kayo ng anak mo. Kung yung biyenan mo naman eh makakausap kausapin mo about dun, di pwede na bisyo lang iikot yung buhay ng anak niya pamilyado na. Okay lang naman mag inom pero sana sa tiyan idala wag sa utak.
Buti na lang ang partner ko kapag lasing sweet, uwi ka po muna sa parents mo. Mag isip isip po kailangan po magkaroon ng paninindigan ang bawat babae, kung kinakailangan kausapin mo po si partner mo to separate.
better na sa side mo muna ikaw tumira sis. tapos pag di sya lasing kausapin mo. di pwedeng ganyan yung environment ng anak mo sis
bukod po kayo ng asawa mo pra wlang nkikisawsaw kada magaaway kayo.
ilang beses sya umiinom sa isang lingo sis? madalas ba?
walang kwenta ang ganyang lalake.dapat jan iniiwanan
Layasan mo na sus