Pa rant lang 🥺 long post ahead.

Pagod na pagod nako, nagsasawa nako sa paulit ulit na pinaparamdam sakin ng daddy ng baby ko. Gusto ko ng isuko yung relasyon namin pero naiisip ko pano yung baby ko 😔☹️ ni minsan pag magkaaway kami hindi nya iniintindi kung ano nararamdaman ko o pinaparamdam nya sakin, sagad pa sa buto kung murahin ako at sabihan na walang kwenta na sa iba nalang nabuntis nya at hindi ako. Kaya kapag okay kami di nawawala yung takot na nararamdaman ko saknya unstable mental health ko sknya okay kami o hindi. Parang ngayon ko naiisip kung ayun na yung tinatawag na trauma sa isang tao. May pagkakamali din naman ako sknya nobody's perfect naman pero sya di nya naiisip na buntis ako halos lahat ng mga ayaw ko ginagawa nya. Gusto ko ng makipaghiwalay ng tuluyan pero naiisip ko pano ko bukas o sa makalawa? Alam ko kasing mambababae na sya agad kapag ginawa ko yon. Pagod nako umiyak sobra, manganganak nalang ako sa February ganito padin ☹️☹️ sobrang naguguilty ako kapag d ako nakaka kain dahil sa bigat ng nararamdaman ko kaya Lalo ko naiiyak ☹️ Alam ko sa huli pag naghiwalay na kami ng tuluyan tsaka nya marerealize lahat, lahat ng sinasabi nyang kadramahan at kaartehan ko sknya habang buntis ako. Future single mom din naman ending ko neto eh sadyang nagpapaka tanga pako kasi mahal ko pa at kailangan pa sya ng anak ko ☹️☹️ Sana isang araw tuluyan nalang ako mapagod sakanya, sana isang araw pag gising ko Wala na Yung pagmamahal ko sknya. Para hindi nako masaktan mapa salita man nya o pinaparamdam

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung ako sayo iwan ko na yan at hingi ka ng financial support pra sa anak nyo. wag mo na mas pahirapan at patagalin pa ang paghihirap nyo pareho ng anak mo. Sa tingin mo ba maganda pra sa anak mo na magkasama kayo pero hnd naman ok ang relasyin? trauma aabutin ng anak mo sa tatay nya kung ganyan ka nya itrato. Kung kaya mo pa magwork kahit wfh lang gawin mo para mgaing financial independent ka. Kapag hnd nagsustento ireklamo mo.

Magbasa pa
3y ago

mahirap sya kausap kasi Wala naman syang isang salita , pabago bago yung isip at mga desisyon sa buhay tapos pag tinatama sya ako lalabas na mali at masama. plan ko ndin naman mag work after ko manganak ayoko umasa sknya mahirap na baka isumbat kaya lahat ng gastos nya samin ngayon ninonotes ko para pag dating ng panahon na kwentahan nya ko may maihaharap ako sknya