Pagod na pagod nako, nagsasawa nako sa paulit ulit na pinaparamdam sakin ng daddy ng baby ko. Gusto ko ng isuko yung relasyon namin pero naiisip ko pano yung baby ko 😔☹️ ni minsan pag magkaaway kami hindi nya iniintindi kung ano nararamdaman ko o pinaparamdam nya sakin, sagad pa sa buto kung murahin ako at sabihan na walang kwenta na sa iba nalang nabuntis nya at hindi ako. Kaya kapag okay kami di nawawala yung takot na nararamdaman ko saknya unstable mental health ko sknya okay kami o hindi. Parang ngayon ko naiisip kung ayun na yung tinatawag na trauma sa isang tao. May pagkakamali din naman ako sknya nobody's perfect naman pero sya di nya naiisip na buntis ako halos lahat ng mga ayaw ko ginagawa nya. Gusto ko ng makipaghiwalay ng tuluyan pero naiisip ko pano ko bukas o sa makalawa? Alam ko kasing mambababae na sya agad kapag ginawa ko yon. Pagod nako umiyak sobra, manganganak nalang ako sa February ganito padin ☹️☹️ sobrang naguguilty ako kapag d ako nakaka kain dahil sa bigat ng nararamdaman ko kaya Lalo ko naiiyak ☹️ Alam ko sa huli pag naghiwalay na kami ng tuluyan tsaka nya marerealize lahat, lahat ng sinasabi nyang kadramahan at kaartehan ko sknya habang buntis ako. Future single mom din naman ending ko neto eh sadyang nagpapaka tanga pako kasi mahal ko pa at kailangan pa sya ng anak ko ☹️☹️ Sana isang araw tuluyan nalang ako mapagod sakanya, sana isang araw pag gising ko Wala na Yung pagmamahal ko sknya. Para hindi nako masaktan mapa salita man nya o pinaparamdam
Anonymous