Pagod na ako
Pagod na ako sa asawa ko.. Hindi pa kami nagsasama kaya lagi siyang praning. Okay lang naman magselos pero yung pagkapraning niya nakakainsulto na. Pakiramdam ko napaka baba ng tingin niya. Pinaghinalaan niya na nagpapagamit ako sa tito ko, pinaghinalaan niya na nag papabastos ako sa step father ko. Tama bang utak yon? Ginagawa ko lahat para maging faithful and loyal sakanya. AS IN LAHAT. Ultimo isa, ultimo isang kaibigan wala na akong nakakasama. Wala akong nakakahalubilo o nakakausap. Iniikot ko mundo ko sakanya kasi napaka insecure niyang tao. Feeling niya ganun kababa ang pagmamahal ko sakanya para makipaglandian at magpagamit sa iba. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko sakanya. Pakiramdam ko yung tingin niya sakin e isang makating babae na papatol kahit kanino. Isang beses sinabi ko lang... "Dad, mas matangkad ka pala kay babe no ng konti" ayan lang! Kinagabihan inaway ako dahil may kakaibang treatment daw ako sa step-father ko. May weird feeling daw. Tangina?? Mahal na mahal ko ang daddy ng baby ko pero grabe yung emotional pain ko. Buntis ako pero lagi akong stress. Sobrang sakit. Parang pinipiga ako tuwing ganto siya. Gusto kong kumawala pero kailangan ko siya para sa baby ko. Gusto kong sumuko pero walang bubuhay samin ng anak ko. Ultimo tong bata noong una tinanong pa ako "Sure ka akin yan ha" masakit satin yun bilang ina. Sobrang sakit. I get it. Ilang beses na siyang niloko noon. Harapan o talikuran man. Pero lahat ng nakikita niyang konting konting gesture na kagaya sa ginawa ng past niya ibabato niya sakin na "alam ko na to" "ganto din si ano" gusto kong sumabog at ilabas lahat lahat ng pain sa dibdib ko kasi masama sa buntis ko. Diko na alam gagawin ko. Parang mababaliw ako sa stress. Nag kakaanxiety na ata ako.