LOVE ADVICE MOMMIES PLEASE

Nung preggy ako nagawang magcheat ng boyfriend ko saakin. Hindi lang isang beses. Tho, hindi naman sila nagkikita. Kachat at kalaro sa ml lang. Pero cheating is still considered as cheating. Pero siguro sobrang mahal na mahal ko sya at takot akong broken family din kami kasi parehas na kami galing dun eh binigyan ko ulit ng chance. Itinigil nya naman. Nung nanganak na ako, panay lang sya phone nung umuwi dito. Hindi nag uupdate masyado. LDR kami. Bicol ako, Cavite sya. I always have to beg for the bare minimum at siguro napagod nako kakaremind sakanya. Ngayon sobrang ang weird kasi isang araw nagising akong cold na sakanya, wala na masyado pake, ayoko na sakanya at okay nalang saken kahit broken family kami. In short, wala na akong maramdaman. Ano ba to normal lang ba to??? Please help #needadvicepls #loveadvice #advicepls #pleasehelp

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Pero ito ang tandaan mo sis ayaw ng panginoon na mag hihiwalay ang kaniyang pinag sama Corinto 7:10-11 10 Sa mga may asawa ay iniuutos ko: Huwag humiwalay ang asawang babae sa kaniyang asawa. Hindi ako ang nag-uutos nito kundi ang Panginoon. 11 Kung siya ay humiwalay, huwag siyang mag-aasawa o kaya ay makipagkasundo siya sa kaniyang asawang lalaki. Huwag palayasin ng asawang lalaki ang kaniyang asawa. Marcos 10:9 9 Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao. kaya godbless sa family mo sis❤💕 ikaw at si lord lang nakakabatid ng mga pinag daanan mo pero kahit ganun fighting tandaan mo hindi lang ikaw ang mahihirapan higit sa lahat yung anak mo sempre Lagi kapa din humingi ng tulong sa Lord dahil sya lang ang maaasahan mo sa ganyan sitwasyon na pag kalito💕❤

Magbasa pa
VIP Member

dame kase nagbabago sayo mamsh pag nanay ka na e ganyan rin ako

3y ago

siguro nga masyado nakong busy maging nanay at magtrabaho... ako lang kasi tsaka yaya nag aalaga sa baby namin eh kasi wala sya dto.. ngayon napansin na nya sakin na wala nakong pake sakanya at ang cold ko na :(