678 Replies
post partum depression sign yan.. nilalabanan ko din yang ganyan feeling. malaking sakripisyo po talaga mag alaga ng baby pero dapat magfocus lang at wag nyo isipin ang pagod. kasi baka di nyo macontrol emotions nyo may magawa kayong di maganda sa baby nyo. kung pagod take time ask your partner for help. ako talagang pag ramdam ko bumibigay na katawan ko binibigay ko si baby sa daddy nya pinapaidlip nya ko para makabawi kahit konti. kasi yung stress naaabsorb din ni baby pagdumedede satin.
Yes, nakakapagod talaga lalo na sa gabi at kapag nasanay ang baby sa karga. Minsan mawawalan ka ng pasensya sa iyak nya at hindi mo na alam patahanin. Minsan di mo sinasadyang mapataas din ang boses mo sa kanya. Pero kapag tinitigan mo si baby sa mahimbing nyang tulog. Mawawala lahat ng pagod at parang mapapaiyak ka pa nga kasi minsan nasusungitan mo na sya sa pagod mo at puyat na hindi naman dapat dahil wala pa siyang alam. Tama, dapat sulitin mo dahil sa susunod na ilang buwan hindi na sya ganito at sa ilang taon hindi na din sya baby. 🙂
ako mommies na feel ko yung pagod, pero yung pagod na yun ang pinakagusto ko sa lahat. Sobrang sarap sa feeling na kahit alam mo sa sarili mo na pagod ka na, pero nanay ka hindi ka pwedeng mapagod para sa ikabubuti ng anak. Tsaka isang ngiti lang nila wala na lahat ng pagod mo. Sabi ng iba mahirap maging INA, totoo nga yun pero for me being a firsttime mom, isa ito sa pinakamagical na nangyari sa buhay ko. I really appreciate sa mga Nanay na sobrang haba ng pasensya para alagaan ang mga anak nila, Proud ako sa inyo. 😍 fighting!!!!
same po nakakapagod talaga mag alaga ni baby lalo na kung karga gusto hindi naman sa nasanay siya sa karga mas gusto niya kasi feeling niya safe siya tas yung hubby ko tulog sa umaga kasi pang Gy kung gising naman puro laro.. hindi malang mRunony magtanong kung ok lang na ako or sabihin na ako naman kay baby idlip ka muna.. kakapagod kasi wala kang katuwang pero ok lang pag nakita mo naman ngiti ni baby mo eo napapawi naman lahat.. ito ngang nakalipas na araw masakit ulo,katawan at likod ko pero si baby ito kalong2 parin hehe
nakakapagod na enjoy. nakakapagod kasi di lang namn si baby ang inaalagaan ko kundi asawa at anak ko din pti na ang bahay,kumbaga, all around.tlagang nakakapagod un 🤣 pero pag hawak ko na baby kht anong pagod ko masaya ako at npapawi din nmn pagod ko. mas gusto ko ng hands on mom ako kesa naman qng nsa labas ako magworry lang ako kung ano naba lagay ng anak ko. 😊 minsan lng sila baby, at mabilis lang ang paglaki nila kaya dpt ienjoy na ng husto.♥️♥️♥️ mag 4 mons na baby ko sa Aug12.😊 📌pure breastfeed
5 mos. Ago nanganak ako same feeling pero mas inisip ko mabilis lumaki ang baby ko feeling talaga natin ang pagod since di pa fully recover katawan natin sa panganganak, 3mos. Sinulit ko na ang mat.leave kahit nakakapagod at parang ayaw ko na bumalik sa work mabantayan ko lang ang baby ko pero nung nakabalik na ko ng work na miss ko naman yung time na halos magdamag sya nakadikit sakin 🤣 Cherish every moment sabi nga nila walang nakakapagod basta makita mong healthy at lumalaki si baby ng maayos. ❤️❤️❤️
Minsan nafeel ko rin Yan ngayun ...pero ok's lang... kaso Minsan naiisip ko na ginusto ko toh ..saka Minsan lang cla baby kapag lumaki sila mamimis mo nanaman yung mga hirap ,hele sa pagpapatulog ,saka kakulitan dahil Ang likot nila..Dahil paglumaki sila d mo na magagawa yun dahil may mga Sarili na silang ginagawa,tulad ng paglalaro sa labas ,nagseselpon d ka na masyadong napansin .ayaw na rin nila magakiss ,payakap,palambing ,kaya hangar baby plang cla lubusin mo kc masarap magkababy ❤️❤️❤️❤️
oo nkkpgod mgalaga ky bby 2months n lo ko . pero ms nkkpgod at nkakaiyak ang pnunumbat ng asawa q n wala aqong naiitulong. meron pko dlwa ank npasok so aq tlga lhat luto laba .. asawa q work lng tambay inom . bt gnon noh akala nla pg nsa bhay lng wla gngawa nkakaiyak lng . n sobra pgod mo at puyat . halos wala n aq oras para sa srili q . ni tumingen s salamin para mkita n itsura q nde q n mgawa😭😭😭😭😭sbayan pa ng asawa g lage pang may kcht n iba haysss. ang hirap mging isang ina ng pamilya
Noong 1-3 months ganyan ang pakiramdam ko siguro dahil sa lungkot kasi mag isa ako sa bahay at epekto ng bagong panganak pero habang lumalaki na si baby parang ayaw ko na uli bumalik sa trabaho kasi sobrang nakakatuwa na si baby lagi tumatawa at hindi iyakin napaka lambing ng mga babies nakaka wala ng pagod kaya ngayon ang nasabi ko sa sarili ko hindi talaga ko nag sisi na nag resign ako at nag stay at home mom although this coming feb I need to work na para sa future niya.
3 months din baby ko. Aminadong pagod. Mommy ako, pero engineering student at the same time at ngayon ay back to work na din ako. Nag offer byenan ko na sakanila muna baby ko sa Mindoro para matulungan nila ko pag aalaga habang andito ako sa Maynila nag aaral at nagwowork. Pero di ko kaya na hindi ko masasaksihan ang unang hakbang ng baby ko, ang unang hagikhik nya, ang unang salita nya, basta lahat. Kaya tiis talaga ako at mas lalo kong kinakaya pagsabay sabayin ang responsibilities dahil sa baby ko.