?

Paglalabas po ba ng gabi ang buntis, kailangan nakapandong ang ulo?

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Opo nid daw aun s mga nkakatnda kz malamig daw at nkakadmi daw ng sumilim...sumilim yan daw po ung prang sipon n lumalabas kpag manganganak n maskit hnggat di nauubos lumabas di dn agad nlabas c baby😊sabi nila..laa nman masma kung sumunod pandong lng nman eh

VIP Member

Kasabihan lang naman po un madam. Pero nasa sau po un kung maniniwala ka o ndi. Misis q nung ndi nagpapandong pero healthy sila ni baby. Never nagkasipon si baby. Ndi naman po s gabi ang hamog. S umaga po un ung tipong magbubukang liwayway p lng

TapFluencer

Walang basis.. 3 kids, ni minsan di aq nagpandong pag lalabas ng gabi pero healthy silang lahat, hindi sakitin. Tska normal lang na sisipunin si baby pag bagong panganak.. Naga-adjust pa ang respiratory organs nya sa environment natin.

VIP Member

Opo para iwas din tau sa hamog at di din maging sipunin ang magiging baby natin. Kasabihan or paniniwala ng mga matatanda lang yan pro wala nmang mawawala kung susundin natin ang payo nila 😃

Dipende sa paniniwala mo hehe hindi kasi ako naniniwala sa hamog. Pero ang totoo kasi sa gabi bumababa yung mga dumi sa hangin kaya naka face mask ako kung lalabas ako ng gabi.

5y ago

Same here sis. Sa ibang bansa hindi naman din sila nagtatakip ng ulo at di rin nagkakasakit unless lumabas ng unprotected tapos umuulan or winter. Sa Pinas lang ba may hamog? 😆

Hindi ako naniniwala Mamsh, mag 8months na tummy ko pero never ata akong nagpandong or sumbrero man lang. Mas sinisipon pa nga ako pag natutukan ng e-fan 😅

Sabi nga po nila ganyan sis magiging sipunin c baby pag ndi nagpapandong paglalabas ng gabi se mahamog daw..pero ako napaka dalang naman magpandong

Kasabihan po pero ako, but ako, hindi ko ginagawa and di ako naniniwala, okay naman at healthy kids ko😊nasasayo po yan momsh

Sabi nila dapat magpandong daw. Ako kasi hindi ko na ginagawa. Naiinitan kasi ako ewan ko ba. May bad effect kaya yun?

lagi ako napapagalitan ng asawa ko dahil dyan. kaya pag lalabas kmi ng gabi nka sumbrero ako tsaka face mask.😆