Craving
Pag po ba buntis bawal kumain ng talong, lalo prito sawsaw sa toyo at suka kasi sabi nakakapagbigay daw un ng taol o dumi sa baby ? ?
Ako sa second baby ko napaglihian ko Yang tortang talong kahit nasa hospital nako manganganak yan parin ung kinaen ko ng dinner. Kaya un may balat ung anak ko sa kamay at paa buti di sa muka. Tska mula nun cnabi sakin na wag daw kumain Yang talong dahil malamig sa katawan ng baby yan at sa mommy kaya di pwede kung maari kumain yan.
Magbasa paYun din sabi nila bawal daw .. Pero kumakain nman ako , pero hindi nman palagi . Minsan lang . Minimize lang , huwag kumain ng sobra2 . Malay ba natin kung yan gusto ng baby mo , wag mo nlang ipagdamot sa kanya. Kahit dalawang piraso lang kainin mo. Kung di nman risky pagbubuntis mo momsh , okay lang.
Magbasa paSabi ng ob ko walang bawal s buntis pwd kainin kahit ano basta ung tama Lang at wag sobra kc nga lahat ng sobra lahat nakakasama. . .tamang Kain lng po. .kht po sa toyo ung sakto lng kc pagnasobrahan ka maalat magkaka u.i.t ka.
Minsan sinasabe nila pag kumain ng talong ang buntis, prone daw ng seizure yung bata everytime lalagnatin, may balat, makati bawal sa buntis. Pero ansarap eh haha kahit konti lang pwede na rin basta di lang araw arawin
Sabi ng OB ko pwede kumain ng talong. Napagalitan pa nga mother ko saka asawa ko, kasi bakit di daw ako pakainin ng talong. Nagcrave kasi ako sa tortang talong nung minsan. Wala naman daw problema yun.
Some believe kc na nakakacause ng abortion ang eggplant. So better avoid nlng po as much as possible. Research ka na din ng mga foods na bawal sa buntis para naman maging aware ka.
Nung buntis ako halos araw-araw ako kumakain ng talong lalo n prito or torta kc paborito ko yun. Healthy nman si baby and okay nman panganganak ko normal and kompleto sa buwan.
Ako pinagbabawalang kumaen ng talong ng biyenan ko tsaka mga tita ko.. Kaya nde ako kumakaen ng talong simula mabuntis ako, wala nman masama sumunod kung para naman kay baby..
Hala, simula pa naman din po malaman ko na preggy ako gustong gusto ko rin po ang tortang talong at pakbet na maraming talong 😕 avoid din pala yan simula ngayon,
Haha palagi akong kumakain ng pritong talong , yan nga ulam ko palagi, di man sunadabi ng mama ko na bawal , ibig sabihin pwede yun , depende nalang yan sayo mamsh