βœ•

88 Replies

Not true po, may pcos ako way back 2013 ko nalaman then niresetahan ako ng pills ng ob tinake ko siguro 3 mos lang after non inistop ko kase twice ako nagkakaroon in 1 month then di na ko nakapag pa second opinion sa ibang ob after that pero irregular pa din naging mens ko like for example last month ngkaroon ako this month hindi ako magkakaroon ganon nging scenario ko, then nagka boyfriend ako naging kami march 2018 april 2018 nabuntis na ako kaya nagulat ako kase alam ko may pcos ako pero ikaw sis try mo pa second opinion sa ibang ob then take k ng pills pag pinag take ka

nagpacheck ako before nung dipa ko nagaasawa sabi may pcos din daw ako, kinabahan ako nun kasi baka hindi ko mabigyan ng anak ung aasawahin ko, baka magsisi lang xa once kinasal na kami..ang sabi kasi skin ng ob once mabuntis man daw ako prone sa miscarriage, pero binigay ni Lord yong greatest blessing nya samin, Kumapit lang tlaga kami sa kanya. I'm now a mother of a 2 months healthy/blessed baby boy.

Yes po..ako po may pcos..3 years bago nabuntis..nagpaalaga po ako sa OB..Bale may nireseta syang Pills na 6 months ko tinake..after 6 months may pcos pa din ako pero ibang Pill at vitamins namn ang nireseta sa akin ni Dra. dahil sinabi ko na gusto ko na magbuntis. after a month of taking the pulls and continues prayer,nung nagPT ako positive na..and now im 9weeks pregnant po.. 😍 Consult ka po sa OB.

May PCOS po ako..noon☺️😊 pero 2mos after wedding namin, biniyayaan na kami ng baby😊 nagulat pa nga ako kala ko matatagalan hehe! Tas 1st UTZ ko po di pa nakita si baby pero cleared daw ako from PCOS. Dating more than 10 immature egg cells both ovaries, nawala na sa right tas sa left po isang matured ovum lang. 😊😊 16wks preggy na po pala ako😊

May PCOS ako since 2015. Pinagpills ako ng OB ko para maregulate ang hormonal imbalance ko. Sinabi din sakin noon na mahihirapan mabuntis. But atm may baby boy na ako and he's now one month and two days na. Prayers and tamang pagkain lang po para maging healthy and makapag conceive :)

Sis ako po pcos warrior ako 😍😍😍 and good thing is ginawa ko ang keto diet for almost 3mos then na treat ang pcos ko and now im 18wks preggy 😍😍😍 sis dont lose hope. Usually sa my mga pcos napapansin ko is gawa ng overweight kaya recommended tlga keto diet para ma cure ang pcos.

Oo nga sis e. Nag bbwas na ko rice ulit paunti unti hindi na ko ult nag ririce ng morning at dinner hehehe sana ma manage ko na. Kaya ntn to :)

Depende po yun. Ako may PCOS both ovaries pero mabilis nabuntis. Sept kinasal then Nov nabuo na si baby. If isa ka po sa nahihirapan magbuntis need po magconsult sa OB pra maguide ka nya. Papainumin ka ng pills for certain months or kung anu pa sabayan mo na din po ng Prayers

Possible po. Ako po may pcos and may endemetriocyst so ayun sge putok lang sa loob feeling di mabubuntis hahaha ending 19 weeks preggy na πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…pero halos 1 yr din po bago kami nakabuo. And thanks god nung nagpaultrasound ako wala na yung pcos at cyst ko.

possible po, i took pills and diet then nung nag stop ako ng pills to manage my hormones, nabuntis na po ko. I am currently 35 weeks pregnant as of today and 23 yrs old lang ako but I have no regrets, atleast mag kaka supling ako πŸ˜„

Yes po sis, may possibility parin na mabuntis.. Nung june lng na ngpatrans V ako ung result is both ovaries ko may pcos tpos thin endometrium pa, wala nman ako tinake na gamot o kung ano man, ngaun im 8weeks preggy.. Prayer lng tlaga sis..

thankyou po and congratsπŸ˜‡

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles