Bacterial Infection

Pag may nanay na nakiusap sa inyong wag nyong hahawakan o bubuhatin yung bata kasi nagyosi kayo o hindi pa kayo naglilinis ng katawan, utang na loob makinig kayo! Dahil hindi kayo ang nahihirapan at hindi naman kayo ang mag aalaga sa batang may sakit. Sasabihin nyo oa at maarte. Buti na lang talaga at hindi ako naniniwala sa mga pamahiin. Marami nagsabi na dahil lang sa pag iipin kaya nilalagnat, oa daw bakit need agad ipacheck up. Mas kilala ko ang anak ko kumpara sayo/sainyo. Ako ang 24/7 kasama ng bata kaya alam ko kung may mali, buti na lang at nakinig ako sa mom instinct ko dahil yung sinasabi nilang lagnat dahil sa pag iipin eh bacterial infection at uti na pala. Kung di ko pa dinala kanina kinumbulsyon na ang bata. 😥 Hanggat di mo pa masabi kung ano nararamdaman mo at kung ano masakit sayo nak, si mommy ang boboses para sayo. Pagaling ka na 😥 Kahit anong ingat mo talaga 😔

Bacterial Infection
 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply