Naalala ko lang nung nanganak ako sa panganay ko sa Dr.Jose Fabella Hospital year 2022 marami kami doon kaya hindi ko alintana yung pagiging first time mom dahil maraming umalalay sakin na nanay kung ano ang dapat at hindi dapat gawin para sa newborn. May nakaclose akong isang nanay don, kasabay ko sya maglabor hanggang sa ward after manganak nagkasama kami, sad to say lang na hindi nakasurvive yung baby nya non dahil sa mga complications at premature din kasi ang baby nya. Ang dami nyang baon na diaper, wipes at iba pang gamit na pang baby. Nagulat na lang ako nilapitan nya ako kasi magpapaalam na sya dahil madidisscharge na sya nung araw na yon, inabot nya sakin yung mga EQ diaper na para sana sa magiging baby nya, sakto namang paubos na yung dala ko nun kaya laking pasalamat ko din sa kanya. Hindi man kami nagkakilanlan sa pangalan noon pero naging close kami ng dalawang araw non sa hospital, hindi ko rin alam kung ano yung fb nya kasi hindi naman kami nagtanungan that time. Kung mabasa man nya to or maalala ako, thankful ako sa kanya kasi isa sya sa nagpalakas ng loob ko habang nasa hospital kami non. Simula non kasangga ko na ang EQ diaper para sa anak ko, at EQ diaper pa din ang tatangkilikin ko ngayon para sa darating naming 2nd baby this coming July 🥰💙 Thankyou EQ sa quality diaper para sa aming mga little one! 🫶🏻 #EQNationalBabyDay #AfterLaborDay #EQDry EQ Diapers
Read moreMy Orders