Swab test (NAGUGULUHAN) 37weeks and 3days

Pag nag pa swab test po ba need mag quarantine habang hinihintay ang result? Pano po kung may schedule ng check up? Tatanggapin ba ako sa check up habang wala pa ang result? Weekly na kasi ang check up ko tapos 5-7 days pa ang labas ng result(hindi kasama ang weekend) Last pano kapag manganganak na tapos di pa lumabas ang result ng swab consider as PUI ka po ba sa ospital? Pano po ba sistema neto? Salamat sa sasagot

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

37 weeks and 2 days naman po ako. Ang plano po namin ay kapag mag 38 weeks na ako magpapa-swab test, kasi 14 days lang ang vailidity ng results. Yan din po ang advise ng OB ko. Ang partner ko naman po ay rapid test lang ang nirequire. In case na maglabor ako before kami makapagpa-test or makuha yung result, sa ospital po na pag-aanakan ko ay nag rarapid test sila bago ang admission. Yun ay kung maglalabor na talaga. Maganda po na magtanong na kayo ng protocols sa kung saan kayo manganganak. Iba-iba po kasi ang protocol. Sa amin, kapag nagpositive kami sa tests, irerefer kami sa isa pang ospital na affiliated ang OB ko. Sa tanong ninyo, maganda po talaga na pagkatest sa inyo, iwasan na talagang lumabas para wala nang possibility na mahawa. Pero kung may scheduled na checkup, kailangan niyo rin po puntahan. Mag mask at face shield lang po kayo.

Magbasa pa