totoo ba?

pag daw po lalaki ang anak walang morning sickness? compare kapag babae

312 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nope...yung asawa ng kapatid ng hubby ko halos sabay lang kame nung nag buntis nauna lang sya ng 1month sakin. pareho baby boy kame...sya grabe morning sickness nya ako wala lang kaya nga noon naiisip ko buntis ba talga ako hehe...na kumbinse lang ako na buntis ako nung 6mons nako lumalaki na kase tyan ko hehe...wala akong symptoms ng preggy ako sabe nga ng mga friends ko babae baby ko kase super masayahin ako at wala talga sign na buntis ako LOL...nung nag announce ako baby boy naman haha

Magbasa pa

hindi ko pa ranas na if boy hindi nagkaka morning sickness compared if baby girl maging baby mo.. this is my first pregnancy,pero grabi ako maglihi subrang maselan..isang buan ako na di kumain ng kanin,minsan tubig lang ako mga gulay kasi ung hinahanap ko especially ung mga lutong bahay at luto mismo ng mama ko eh malau ako sa knya kaya subrang hirap talaga,im turning 5 months this coming july☺️☺️until now nga nagsusuka parin ako pero d na madalas

Magbasa pa
6y ago

Parehas tayo hindi ako kumakain ng hindi ko nakitang niluto. Hindi ko nman sinasadya pero diko talga makain eh 😩

d po totoo yan.. may mga mommy po n kht anu ang gender baby nla my morning sickness po nararamdaman. minsan nmn po wala.. tulad q po sa panganay q, d po aq naglihi.. wala po morning sickness.. prang normal lang, lumalaki lang po tiyan q. baby boy po sya.. then sa pangalawa q n baby ngng maselan aq morning sickness at lihi naranasan q po un.. baby boy po ulit.

Magbasa pa

D ah,bakit ako d ako maselan mag lihi sa mga anak ko,tas ufter 9taon now nasundan bunsu ko ang selan kona mag buntis lahat ata dinanas ko now pati ung pag susuka sa umaga ta pag bleeding d nako maka pag work ng maayus dahil nahihilo ako kada babayahe ako,now w8ting pako sa gender nya dalwang babae anak ko,dko alam kong ano ang gender nito 4buwan palang kc

Magbasa pa

Naku Hindi po totoo. I just found out yesterday that I am having a boy and I have morning sickness hanggang 15 weeks lol. But with my first baby, also a boy, Hindi ako msyado maselan. So it means no two pregnancies are alike. Ang medyo pinaniniwalaan ko lng tlaga ay ung shape ng baby bump. With my second patulis din sya like my first. Same boys 😁

Magbasa pa

Sa dalawa kong anak na lalake wala akong naramdaman na morning sickness, kung di lang ako nadelay ng mens diko pa alam na buntis ako. 6mos. preggy ako ngaun with my 3rd child, grabe naman napagdaanan ko nung naglilihi pa ako unlike sa naunang dalawa. Diko pa alam gender ni baby pero pakiramdam ko girl na sya. 😊

Magbasa pa

No.. Even lalaki yung gender ni baby ay makakaranas ka panrin ng mga morning sickness na yan.. My first born is male and now my 2nd newly born is male din pero sa una di ako nagka morning sickness kaya i thought ngaun is female na.. I got wrong kasi boy pa din pala magiging anak ko😅🤣

Im 7month pregnant with my baby boy,morning sickness sa 1st tri ko at ang hirap pero enenjoy ko lng kasi nga 1st time kung mbuntis and mag morning sickness..🙂...and now on my 3rd tri parang bumabalik ang ilang mga sentomas slng 1st tri at mdjo mhirap na pag last tri na kasi malaki na tyan mo.🙂❤

nako ako mapa babae man o lalaki. simula isang buwan hanggang tatlong buwan talaga pag susuka ko😆😆 ang pinagkaiba lang pag lalaki ang pinagbubuntis ko mainitin ang ulo ko ang parang ang sama ng ugali ko. sa babae namn normal lang hindi mainitin ulo ko😂😂

Sa akin ganun ang case. Boy ang baby ko and wala akong morning sickness. Ganun din ate ko na boy din ang anak. Pero yung isa kong ate na girl ang anak matindi morning sickness nung buntis siya. Di sya scientific basis though. Iba-iba din kasi talaga pregnancy :)