Breastmilk?

Paano po ginawa neo para mg ka gatas po kayo? Na CS po ako nung march 18, hang ngaun ala pa po ako milk?

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

HOW TO INCREASE BREASTMILK SUPPLY Marami sa mga bagong panganak lalo na sa mga first-time moms ang nagtatanong kung ano ba ang dapat gawin upang lumakas ang gatas. Ang karaniwang senaryo ay ganito: โ— Paano po ba lalakas ang gatas ko? Kasi parang walang nakukuha si baby. โ— Paano po dumami ang gatas? Kasi si baby parang hindi masyadong bumibigat. โ— Ano po ang pwede kong inumin para dumami ang gatas ko? Natatakot kasi ako dahil wala nang tumutulo at hindi na tumitigas ang suso ko. Sa unang araw ng paglabas ni baby sa mundo, ang unang makukuha niya kay mommy ay ang tinatawag na "colostrum" o yung kulay dilaw na gatas. Mahalagang makuha ni baby ang colostrum ni mommy dahil ito ang pinakamasustansyang parte ng gatas. Sa unang anim na linggo (6 weeks after delivery), kailangang mapasuso si baby hangga't gusto nya. Sa loob ng anim na linggo, hindi pa established o stable ang milk supply ni mommy kaya sa mga panahong iyan mapapansin na tumitigas ang suso (engorgement of breast) at nagle-leak o sumisirit ang gatas. Kapag hindi napasuso ang bata nang madalas o base sa kagustuhan niya, kaunting gatas lamang ang mapo-produce. Paglipas ng anim na linggo, stable na ang supply ng gatas at magbabase na lamang ang production sa needs o demands ni baby. Kung ating mapapansin, hindi na kasing tigas ng dati ang suso natin at hindi na gaanong nagle-leak o sumisirit. Ano nga ba ang paraan para dumami ang gatas? FEED ON DEMAND o kaya naman ay UNLILATCH. Opo, yan ang pinakamabisang paraan para maparami ang gatas. Ang pagproduce kasi ng gatas ay nakabase sa law of supply and demand. The more na sususo si baby, the more na magpo-produce ng gatas ang suso. Maliban sa unlilatch, kailangan ay laging hydrated ang nanay. Mas mainam kung iinom ng tubig bago at pagkatapos sumuso. Kumain din ng naaayon sa oras at huwag gutumin ang sarili. Maaaring kumain ng masasabaw na pagkain na may halong malunggay. Important Points: โ— Sa mga unang araw matapos isilang ang sanggol, asahang hindi pa sisirit ang gatas. Paano mo malalaman kung may nakukuha si baby? Sa pamamagitan ng kanyang ihi, poopoo, at pawis. Bilang pandagdag, sa loob ng anim na linggo, kailangang araw-araw na dumudumi ang bata. Pagkalipas ng panahong iyon, kung exclusively breastfed ang bata (gatas lamang ng ina ang iniinom), normal lamang kung hindi araw araw ang pagdumi dahil mabilis ma-absorb o ma-digest ng katawan ang breastmilk. โ— Ukol sa timbang ng batang breastfed, kung ang timbang niya ay nasa normal range base sa weight chart at masigla naman at hindi sakitin, walang dapat ipag-alala. Ang breastfed baby ay normal na hindi tabain. โ— Kapag hindi na tumitigas ang suso at hindi na sumisirit ang gatas, ibig sabihin ay established na ang milk supply โ— BAWAL uminom ng tubig ang sanggol bago mag anim na buwan (6 months) dahil sa pangamba ng water intoxication โ— Hangga't maaari, BAWAL mag-pump sa loob ng 6weeks pagkapanganak dahil baka magkaroon ng oversupply at baka magbara ang daluyan ng gatas na maaaring mauwi sa mastitis. โ— Hindi nawawalan ng nutrisyon o sustansya ang gatas ng ina โ— Walang bawal kainin ang isang nagpapasusong ina maliban na lamang kung may epekto sa bata tulad ng allergy โ— Hindi bawal uminom ng alak pero dapat ay hinay hinay lang. Huwag paaabutin sa punto na malalasing at hindi na maaalagaan si baby โ— Kahit may lagnat ang nanay, pwede siyang magpasuso โ— Kung nagpapasuso, huwag basta basta iinom ng gamot. Laging i-check sa e-lactancia.org ang generic name ng gamot para malaman kung compatible ito sa breastfeeding โ— Hindi napapanis ang gatas na nasa LOOB ng suso Isinulat ni : Van Mallorca PS: Nais ko pong magpasalamat sa BREASTFEEDING PINAYS sa mga kaalamang ibinabahagi nila sa mga nagpapasusong ina tulad ko ๐Ÿ˜Š #NormalizeBreastfeeding (Credits to rightful owner of photo)

Magbasa pa
VIP Member

Mommies, especially those who are mix feeding, mahabang post ito pero promise, may saysay ito. :) The more you mix feed, the less milk your body will produce. Every ounce of formula you give is one ounce that you told your body not to produce. Do not fall into the Top Up Trap! Ito yung Top Up Trap: Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo ==> Magbibigay ka ng formula/Magta-top up ka ng formula ==> Mabubusog sobra si baby at matutulog ng mahaba (kaya siya nabubusog kasi mabigat sa tiyan ang formula kasi yung composition ng gatas ng baka ay para sa mga baby na baka na merong apat na tiyan eh ang babies natin isa lang ang tiyan; kaya siya matutulog ng mahaba kasi yung energy ng katawan niya ay mapupunta lang sa pag digest kasi hirap siya kasi nga isa lang ang tiyan nya kaya habang nagda-digest, lahat ng energy andun, matutulog ang katawan niya to cope) ==> Mas dadalang ang pagsuso sa iyo ni baby ==> Lalong kakaunti ang gatas mo :( ==>Pakiramdam mo kulang ang breastmilk mo ==> At paulit ulit ito hanggang mawala na ang gatas mo. Our bodies are wonderfully designed. Kung ano ang kailangan ni baby, yun lang ang gagawin na gatas. So mas madalang si baby sumuso, mas konti ang gagawin ng katawan na gatas kasi iisipin niya hindi naman kelangan; mas madalas si baby sumuso, mas maraming gagawin na gatas ang katawan. Number 1 rule yan sa breastfeeding. Kahit na isang sakong malunggay, gata, fenugreek, brewer's yeast, malt, atbp ang inumin natin, kung hindi magla-latch si baby ng maayos, hindi gagawa ng gatas ang katawan. Ang sabi ng marami kaya sila nagfo-formula kasi pag binibigay nila yung breasts nila, hindi natutuwa si baby at iyak ng iyak. That can be because of so many different things. Usual causes are nipple confusion and missed hunger cues. Cupfeed and do not bottle feed. Ang pag bibigay ng bote ay "nakakatulong" sa pagkawala ng gana ni baby sa suso. Bakit? Kasi mas mahirap ang sumuso sa ina kaysa sa lumunok na lang ng gatas na tumatapon galing sa bote. Ako man si baby, mas gugustuhin ko na lang ngumanga at lumunok. :) Ang tawag dito ay nipple confusion. Kaya maraming bata na nakabote na bigla na lang hihinto sa pagsususo at "wala" nang magawa ang nanay. :( Side note: Ang pagpapasuso ay pre-cursor to chewing and to talking. Ang baby na breastfed, mas praktisado ang panga. Mas madali para sa kanila ang pagtawid sa solids at ang pagsasalita. Sa unang senyales na gutom si baby, mag breastfeed na agad. Pag sobra siyang nagutom, aayawan niya talaga "ang pagtrabahuan" pa para mapalabas ang milk galing sa breasts.

Magbasa pa
VIP Member

#LectureNiMaam Topic: PAANO MAGPALAKAS NG MILK SUPPLY? Oh eto, ayaw ko na ng formal na post about dito para mas maintindihan ng mga maamshies natin. ๐Ÿฅฐ ๐Ÿผ Pagkapanganak mo, MAGPADEDE KA LANG NG MAGPADEDE. Ayun yung tinatawag natin ngayon na UNLILATCH. From the word, UNLI, alam mo na siguro yun. Applicable din yun sa breastfeeding, hindi lang sa kanin sa Mang Inasal. ๐Ÿผ Yung ibang OB-Gyne, nagrereseta na ng mga lactation supplements kahit hindi pa nanganganak ang nanay. Just to make sure daw na may lalabas na milk after maipanganak si baby. PERO, ang talagang magpapalabas at magpaparami ng gatas mo ay ang SKIN-TO-SKIN at UNLILATCH. Kaya uulitin ko, magpadede ka lang ng magpadede. ๐Ÿผ HINDI TOTOO na wala kang gatas pagkapanganak mo dahil lang sa wala kang nakikitang tumutulong gatas. Colostrum is superlagkit at hindi mo siya makikitang tutulo. Mga 2-3 days pa bago lumabas ang matured milk. OK? Karamihan kasi sa mga nakakausap ko, ang sinabi nila is 'wala silang gatas' kaya nabigyan nila ng formula si baby. Pero meron ka talagang gatas. Kahit isang patak lang ang lumabas sa boobs mo, that means MERON pa rin. Magkaiba ang kahulugan ng KAUNTI sa WALA. ๐Ÿผ Uminom ka ng maraming tubig. Kumain ng masusustansiyang pagkain at maraming kanin ๐Ÿ˜‚ Kumain ka ng papaya, malunggay, masasabaw na pagkain. Huwag ka munang magdiet at maconscious sa figure mo. Unahin muna ang anak. Ok? ๐Ÿผ After 6 weeks, you can start pumping. Pero kung working mom ka and needs to build a milk stash, you can start pumping earlier. Pump every 4 hours, round the clock. Saan ka man mapunta, pump pa rin. NO EXCUSES. Gusto mo ng maraming gatas, aba e, tiyagain mo. Maraming nanay ang todo effort sa pagpapump at naging successful naman. Kaya ikaw, go na! Kaya mo rin yun! ๐Ÿ˜๐Ÿ’ช๐Ÿป ๐Ÿผ Pwede kang magtake ng mga lactation aids and supplements. Hanapin mo yung mahihiyang ka at makikita mong effective sa iyo. Magastos, oo. Pero para sa anak mo naman iyon diba? Kaya mo ngang magparebond at magpakulay ng buhok e. ๐Ÿผ MANAGE STRESS. Yes, I used the term manage because we CANNOT AVOID STRESS. Nandyan na yan e. It's up to you kung paano mo gagawan ng paraan. Too much stress, tiredness, and not enough sleep may affect your supply. Kaya girl, hinay-hinay lang tayo. Kapag pagod, MAGPAHINGA. Promise, malaki ang tulong ng malusog na isip at pangangatawan sa supply natin. BREASTFEEDING IS A RESPONSIBILITY, NOT A CHOICE. Tanggapin na natin ang katotohanan. โ™ฅ๏ธ #Breastfeeding #BreastfeedingJourney #PadedeMaamPH

Magbasa pa
VIP Member

Paano mo nasasabing bitin siya o konti lang milk mo? Konti lang ba ang poop at pee? After 1 hr latching, gusto uli dumede? Edi ipalatch lang po uli. Normal po sa newborns ang maglatch halos 24/7. HINDI po ito senyales na gutom pa siya o kinukulangan. Breastfeeding is not just about food...it is liquid love and comfort. YOU are comfort for baby. baby needs to be breastfed and be close to you. The healing and nourishing touch of breastfeeding skin to skin works wonders for baby. This is called KMC (kangaroo mother care)...breastfeed na nakahubad si baby at naka diaper lang and bare-chested ka. Wrap a light blanket around both of you. Do this at least 6 or more hours a day. How to know baby is getting enough? Do diaper counts...baby should have at least 6-8 pee a day (bilangin gamit ang lampin kase hindi accurate ang disposables) and newborns should poop everyday. NEVER gawing basis ng gutom ang pag iyak kase maraming rason ng iyak. Maaaring gusto lang niya maging malapit sa iyo. Tandaan, sanay si baby kasama ka 24/7 sa womb mo for almost 9 months nung buntis ka.

Magbasa pa
Super Mum

palatch lang po si lagi si baby. take malunggay supplement. skin to skin with baby. inom.ng maraming tubig

Post reply image

Sabaw with Malunggay, M2 Malunggay drink, Milo with Chia Seeds, Natalac and Lactation Cookies tinake ko

VIP Member

palatch mo lang po ng palatch tas lagi po kayong mag ulam ng may sabaw at malunggay

pinaka effective na pamparami ng gatas yung kumain ng sinabaw na shells.

palatch lng Ng palatch ako nun, no formula

Akin po nagpahilot ako