Leave and Cleave

Paano kung ayaw humiwalay ng asawa (Lalake) sa magulang nya? nakikitira lang kame dito sa magulang nya at nahihirapan na ko, pero tuwing sasabihin bumukod kame ayaw nya at galit sya, wala daw sya pera at dahil ayaw nya mahirapan at gusto nya may lahati sa gastos kapag nandito sa magulang nya? Anu po magandang gawin bilang isang nanay? Wala po ako trabaho kaya hindi ako maka hiwalay para makapag apartment ng sarili kasama ng anak ko, ang sabe ng asawa ko mag trabaho ako ng makalayas ako kaso paano mag tra trabaho wala po mag aalaga sa bata? #pleasehelp #LeaveandCleave

12 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ayyy naku, pag ganyan ung asawa ko, hihiwalayan ko talaga.... mas ok na ung maging single mom kesa naman makisama sa lalaking ganyan ang ugali at paninindigan...

2y ago

Gusto ko narin pi humiwalay, ang problema ko po kasi wala po ako income, kung aalis po kame dito ng anak ko mag apartment, wala po pang gastos o pang bayad man lang ng rent 😭 1year old palang po anak ko hindi ko po maiwan para makapag trabaho wala po mag aalaga o mag babantay, kung may income lang po sana ako matagal na po ako lumayas dito kasama ng anak ko 😭