Leave and Cleave

Paano kung ayaw humiwalay ng asawa (Lalake) sa magulang nya? nakikitira lang kame dito sa magulang nya at nahihirapan na ko, pero tuwing sasabihin bumukod kame ayaw nya at galit sya, wala daw sya pera at dahil ayaw nya mahirapan at gusto nya may lahati sa gastos kapag nandito sa magulang nya? Anu po magandang gawin bilang isang nanay? Wala po ako trabaho kaya hindi ako maka hiwalay para makapag apartment ng sarili kasama ng anak ko, ang sabe ng asawa ko mag trabaho ako ng makalayas ako kaso paano mag tra trabaho wala po mag aalaga sa bata? #pleasehelp #LeaveandCleave

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mii wala ka po ba matutuluyan kahit sa mga friendship mo? kung ako kasi, red flag po yan. nag asawa pa sya kung hindi naman po kayo kayang panindigan. baka kasi mii ang mangyari sa sunod, nandyan ka na lang para sa anak nyo at sa kanya na asawa mo. naiintindihan ko mii pakiramdam mo, at sorry sa sitwasyon mo ngayon. sana po maisipan mo na hindi po dapat tinotolerate ganyan sitwasyon kasi hindi nya naisip na para sa katahimikan at kapayapaan ng pagsasama nyo yung bubukod kayo. kaya mo yan mii, para sa mga babies mo, kayanin mo. sending hugs 🤗

Magbasa pa
3y ago

makiusap ka mii sa mga kamaganak mo o kaibigan mo kahit saglit lang, hanggang makahanap ka lang kamo ng work at makaipon panglipat nyo. wag ka magtiis sa ganyan klase ng pamumuhay. sa susunod nyan, masasanay na asawa mo na sunud sunuran ka sa kanya hanggang sa ikaw mismo maging dependent na ng sobra sa kanya kasi iisipin mo laging "sya ang asawa mo, sya ang bumubuhay sa inyo" mii kung hindi mo lalakasan loob mo, paano anak mo? papayag kang ganyan? lalaki ang anak mong mamumulat na ginaganyan ka ng pamilya ng tatay nya? okay lang sayo yun? para sa anak mo at sa sarili mong kapayapaan, lakasan mo loob mo.