Paano ko turuan ang anak ko mag-mumog at dura tuwing nagsisipilyo?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa panahon ngayon nakapa importante na maging maalaga tayo sa ngipin natin lalo na ang ating mga anak. Responsibilidad nating mga magulang ang turuan sila kung paano gawin ng tama ang pagsisipilyo. Ugaliin nating mga magulang ang ipaliwanag sa kanila kung bakit kailangan gawin ito at kung anong magandang maidudulot nito sa kanila. Kung pedeng step by step gawin natin ito . Ganito ang pag tuturo ko sa anak ko . Step 1: Anak need nating mag sipilyo para hindi masira at pamugaran nga bacteria ang ipin natin ah .Kuha tayo ng sipilyo at lagyan natin ng toothpaste . (Mga nanay make sure na safe at hindi matapang ang toothpaste ang gamitin at safe for baby) Step 2: Mag mumug ng malinis na tubig na nakalagay sa baso. Pagkatapos basain na kaunti ang toothbrush na may toothpaste. Step 3: I brush and teeth pababa pataas , paikot ikot sa gitna at magkabilaan . Gawin ito ng atleast 3 mins. Step 4 : Kunin ang naka prepare na baso na may malinis na tubig at i mumug ito sa loob ng bibig. Laging ipaalala na wag lunukin ang tubig na nasa bibig . Pede natin gawin sa harap ng ating anak ito para gayahin nya . Step 5: Idura ang tubig na nasa bibig at ulitin ito atleast 3-4 times at make sure na walang bula na matira sa loob ng bibig. Sana makatulong ito mga mommy and daddy upang maging hobbit ni anak na mag toothbrush at pangalagaan ang ipin nito .

Magbasa pa