Paano ba wag masaktan?

Paano ba wag masaktan kapag paulit-ulit ka nang niloloko ng taong mahal mo? Ang sabi niya, he will never text her again. Hanggang pangungumusta lang siya sa common friend nila just for old time sake. Dahil may pinagsamahan din sila. Pero bakit ganun? Nahuli ko na naman siyang katext yung girl na nakatago pa sa name ng lalaki para di ko mabisto. Kaso nabisto ko na naman. Bakit ba hindi pa ko sapat para sa kanya? Bakit kahit may anak na kami, siya yung binabalik-balikan kahit ako yung andito at kasama sa bahay?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung paulit ulit na nyang ginagawa yan, iwan mo na yan kasi never ng magbabago yan. Napakadaling magsabi ng hindi na nya gagawin. Pero ano? Ginagawa pa din niya diba? Uulit ulitin niya lang ang kasalanan niya kasi alam niyang papatawarin mo lang ulit siya. Bigyan mo ng ultimatum ang sarili mo. BABAE ka, hindi babae lang. Tanungin mo sa sarili mo kung deserve mo ba talaga ang tratuhin ng ganyang klaseng lalaki.

Magbasa pa