Gestational diabetes
Paano ba namin inaalagaan ang mga Mommies with GDM ( Gestational Diabetes Mellitus) Number 1 : DIET MODIFICATION TALAGA. ▶️ I usually refer my patients to a NUTRITIONIST. Mas maayos kasi kapag ganito, na meet pa rin nila ang nutritional needs/caloric requirement while maintaining their target blood glucose level. Usually 5-6 meals/ day sila ( 3 meals with 2-3 snacks) Hindi ok yung bawas bawas lang sa rice daw and sweets. ( bumabawi naman sa bread 😬 ). Ang ending ng iba minsan starvation, hindi na healthy. Meron pa din kayong goal na weight gain per week. Hindi ang goal is mag lose ng weight but slow expected weight gain pa rin. ▶️ Sorry magastos kasi need nyo talaga mag monitor ng sugar everyday (4x a day usually) but this could lessen depending on your monitoring pero hindi mawawala completely ang pag check hanggang before maglabor na kayo and even during labor ( case to case) . May nagtanong sa kin if ok lang daw ba hindi magmonitor? Eh paano natin malalaman na na hit nyo ang target blood glucose level if hindi natin i check diba. Bakit need ma hit ang normal blood glucose level? Syempre para hindi mag complicate sa pregnancy or ma-lessen ang complication sa pregnancy. Pupunta tayo sa Number 2, kapag hindi kinaya ng diet modification, meron talaga na ganito, meron na syang diet plan form Nutritionist pero ganon pa din may matataas na values pa rin. Number 2 is medical na 🙂 ▶️ Metformin and or Insulin na. Dito nag rerefer na kami sa Endocrinologist. 😔 magastos talaga, pero mas magastos kapag hindi nyo to gagawin. Ang worst na pwede mangyari is mamatay ang baby nyo while inside the womb pa. GDM is the most common medical complication of Pregnancy. Lima singko 😅 ✅ Hindi CS agad kapag GDM ka. Actually vaginal birth ang goal namin parati for GDM pero sila kasi madalas mag fetal distress din talaga kaya na CS. Ayaw na ayaw ko nag CCS ng GDM kelangan na solid na indication ko para mag cs. ….kasi gusto ko masarap tulog ko pag uwi ko, mas mahalaga sa kin ang peace of mind ko, kesa sa pf ng CS na hanggang sa bahay naman iniisip ko status ng patient ko post CS. Dr. BEV FERRER