UNLI LATCH, How?
Paano ba ang unli latch? ang dali kasi ipayo pero kapag gagawin na sa baby ayaw talaga nila sa boobs namin. Hirap ipilit sa baby lalo nagwawala na kakaiyak. Kahit anong pilit ayaw pa din. Kaya paano ba ang tamang unli latch?

Hi! Ako din hirap before kasi exclusive pumping lang ako. Ang ginawa ko, bottle sya pag gising then pag tulog tinatry ko na mag latch sya tapos hanggang sa naabutan na nya magising sya na naka latch sakin, hanggang sa sya na lang mismo na ang umayaw sa bote. 3 days ko ginawa yun. Hindi sya magagawa ng overnight lang. Minsan din pala, kung nakakatulog si baby, hindi ko agad pinapadede sa bottle, pinapalalim ko pa tulog nya lalo para gutom pag inoffer ko dede ko, yun, sure na maglalatch talaga. Yung sa pagpilit, di po talaga gumagana. Kailangan po talaga mag tyaga
Magbasa pa