Higad, kabet, homewrecker at babaeng walang respeto sa sarili.
Paano ako magsisimula ulit? Buntis ako ngayon, 30wks po. Nagpabuntis ako sa lalaking legally married. Baliktarin man ang mundo, hiwalay man sila pero sa mata ng lahat, diyos o ng batas kabet padin ako. Paano ako napunta sa gantong sitwasyon? Kasi nagmahal ako. Syang sya na talaga. nagpabuntis ako, sinadya naming dalawa. Pinagdasal namin na sana mabuo na. Kasi ayaw kong maiwan magisa 😞.. At ayon kahit komplikado na mabuo binigay padin sya samin ni lord! Sobrang saya namin at sobrang pasasalamat kasi wala na akong sakit. Hindi ko po unang beses na pagbubuntis to. May anak na po ako dalawa, physically, emotionally at sexualy abused ako sa ex partner ko. Pasalamat parin kasi hindi natuloy yung kasal namin. At pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na hahayaang may manakit ulit sakin o magsalita ng masasama. Pero ang ending nilulunok ko lahat ng pangako ko sa sarili ko para sa taong mahal na mahal ko ngayon. May anak din sya isa. Gustong gusto ko pa sya, hindi ako nagsisisi na nakilala at minahal ko sya. Hindi lang maganda tingin sakin ng lahat miski pamilya nya, mga katrabaho ko simula nung naging kami pero mahal na mahal ko talaga sya. Sila ng magiging anak namin. Alam ko malulungkot ako pag wala sya. Kailangan ko bang tiisin yung sarili ko at umiiyak napang ng umiyak at hintayin na maging okay ako at magfocus sa mga anak ko? o ipupush ko yung relasyon namin? Salamat po. Ps. Nagkaroon po ako ng hormonal imbalance. hindi po ako nawawalan ng spotting. nagkaganoon po ako simula ng pinanganak ko yung 2nd child ko. mabuntis man ulit ako nauuwi sa pagka agas ☹️nagpapacheck up po ako sa ob pero mawala man yung spotting, bumabalik padin kada maistress ako. kaya sobrang saya ko kasi tumigil yung spotting ko at nabuntis ulit ako.