HOUSEWIFE

####pa vent out*** Sino dito na nasa bahay nagbabantay ng anak linis ng bahay, luto ng pagkain para sa asawa? Alam niyo naiingit ako sa iba, tingin kasi sa akin ng asawa ko palamunin niya lang ako. Humingi kasi ako ng pera sa asawa ko for the first time* papadala ko lg sana sa kapatid ko para pandagdag pang baon sya ng isang linggo since nag start na demo teaching niya, kaso bigla syang nagalit e wala naman daw akong trabaho. Alm niyo yun gustong gusto ko mag trabaho, pero ayaw nya kasi kumuha ng yaya para mag bantay sa anak namin. Masama lg tlaga loob ko, kahit bagong panty hndi niya ako mabilhan bilhan, mag iisang taon na wala pa rin yun lg yung hiniling ko sa kanya khit konsuelo de bobo lg man sa pag aalaga ko sa kanilang dalawa. ** graduate kmeng pareho, sya may magandang trabaho kumikita sya ng 50k kada buwan. Ako kung hndi lg napaaga pagbubuntis ko kaya kong lamangan yang kinikita niya!! Pero pinili ko anak ko. Nanliliit lang ako sa sarili ko. Sana security guard na lang naging asawa ko, baka sa ganun gawin pa akong reyna hndi muchacha!!!

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

My advise to you mag-usap kayo... Dapat magkaintindihan kayo ng desires and expectations ng isa't isa or you will both end up with disappointments. Baka to your hubby 50k isn't alot and nilalaan nya un para sa family niyo as his priority at kasama ka doon. Wag din sasama ang loob mo if he does not want to help your sister as he has no obligations to do so. Plus na lang un if he is generous enough to do so. He is only responsibile to his own family and I think ginagawa naman nya un. Wag ka din mainis sa pag-aalaga sa kanila at parte un ng pagiging ina at asawa... Tell him how you feel, na sumasama loob mo pag sinasabihan ka na walang work. He wouldn't be able to work without your support at home. Team kayo dapat. Wala kayo sa competition to identify who brings more to the table and gives more effort. Now, if you are unhappy being unemployed and unfulfilled as an individual, sabihin mo rin sa kanya. Not all women kasi are happy with a "mom and wife" title or role. I am not saying it is bad but you can also have more titles to yourself. Put your emotions aside then usap kayo. Communication is key. Hope this helps.

Magbasa pa
6y ago

I agree on this. I don't ask money from my husband lalo na if for my family kasi hindi naman niya sila kargo. Even if pinipilit niyang magbigay i insist na di ko talaga tatanggapin kasi ayoko dumating sa point na one day,susumbatan niya ako. I'm a stay at home wife and mom pero pinag uusapan namin ng husband ko kung ano mga gusto at plano ko sa buhay ko. Kasi tulad ng karamihang babae,naghahanap ako ng self fulfilment. Fortunately naman,pinagbibigyan ako ni husband kesyo snasabi ko ito ang gusto ko. Hayaan mo ko. Kaya ayun hinahayaan naman niya ako. Haha.

Related Articles