HOUSEWIFE
####pa vent out*** Sino dito na nasa bahay nagbabantay ng anak linis ng bahay, luto ng pagkain para sa asawa? Alam niyo naiingit ako sa iba, tingin kasi sa akin ng asawa ko palamunin niya lang ako. Humingi kasi ako ng pera sa asawa ko for the first time* papadala ko lg sana sa kapatid ko para pandagdag pang baon sya ng isang linggo since nag start na demo teaching niya, kaso bigla syang nagalit e wala naman daw akong trabaho. Alm niyo yun gustong gusto ko mag trabaho, pero ayaw nya kasi kumuha ng yaya para mag bantay sa anak namin. Masama lg tlaga loob ko, kahit bagong panty hndi niya ako mabilhan bilhan, mag iisang taon na wala pa rin yun lg yung hiniling ko sa kanya khit konsuelo de bobo lg man sa pag aalaga ko sa kanilang dalawa. ** graduate kmeng pareho, sya may magandang trabaho kumikita sya ng 50k kada buwan. Ako kung hndi lg napaaga pagbubuntis ko kaya kong lamangan yang kinikita niya!! Pero pinili ko anak ko. Nanliliit lang ako sa sarili ko. Sana security guard na lang naging asawa ko, baka sa ganun gawin pa akong reyna hndi muchacha!!!

ako nga di rin binibigyan ng jowa ko ng pera kahit buntis ako ngayon, pero lamang ako palagi ng gastos pagdating sa mga gamit ng baby, gamot, vitamins at gatas ko. tapos pag kakaen kami sa labas or grocery madalas parang ang hatian pa namen 70-30. Ni hindi pa ko nabbilhan nyan ng damit at sapatos. Sya nabilhan ko na ilang beses simula naging kame. Sabe nga ng parents ko ni hindi man lang magpa-impress sa kanila na magdala ng pagkain or pasalubong. Pag may dala akong pagkain or pasalubong sinasabe ko nalang na hati kami kahit ako lang talaga ang bumili non. Nakakatawa ultimong gasolina kailangan lagi kaming hati. Kanina nga nagpa check up ako for my 37th week, eh ang babayaran namen 1700 kasama na gamot at vitamins. ang binigay lang literal 700. Hindi pa yan nagbigay kanina ng hati nya sa pambili ng bathtub & net ng baby halagang 500, humingi pa saken pambili ng meryenda nya kahit may pera sya. nakakagigil kaso wala eh kunat talaga. Sabe saken ng mommy ko, kawawa daw ako pag eto nakatuluyan ko. Wag daw muna kame pakasal. Take note and FYI may kaya pamilya neto at 80% ng mga kamag anak nila nasa States, anytime din na gustuhin nyan pumunta ng States maglalabas sila ng pera good for max of 6 months makabakasyon lang sya dun. Partida pinapa-renovate din ang buong bahay nila as of the moment. Sobrang kunat juskolord. Di lang sya pati ate nya makunat din sa lahat ng aspeto. Hoarder pa, daming gamit na binubulok lang imbes na pakinabangan like mga canned good na SPAM and mga branded na spices(sa sobrang dami pina-paexpire nya nalang imbes ipamigay sa iba kesa masayang lang. Ayaw nya talaga may ibang makinabang), gamit sa kitchen, towels, curtains, bedsheets (hinihintay nya muna tastasin ng mga ipis at daga at maluma ng sagad na sagad na sagad ang mga yan bago maglabas ng pamalit), eto pa lotions, shampoos, pabango, bags and shirts na may more than 5 years ago pang galing sa padala di pa rin nagagamit dinaga na at nagbakbak na sa luma. (FYI di ko pangarap mahingi yun, dahil meron akong pambili, I'm just saying.) Di ko alam bat may mga taong sadyang lumaki ng ganyan. 😂
Magbasa pa

