Baby's name

Pa-vent out naman mga mii. We named our newborn baby boy Axel Reyven. For us, we loved that name. Pero naakakainis lang kasi halos lahat ng magtanong ng name niya ang sinasabi bakit daw pinangalanan na Axel eh pang aso lang daw na name yan. Sa side ng family ko pati husband's side yan ang sinasabi. Bakit ba parang may karapatan pa yung aso sa pangalan na yan kesa sa tao. Nakakabanas naman

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hay naku Mi, meron at meron talaga masasabi ang ibang tao sa totoo lang. Kahit sa ibang friends ko, bakit daw ba “Wade” yung second name ng baby girl ko e pang lalake daw yun. Uhmm because I liked that name? Di ba pwedeng nagustuhan ko lang? Anak ko naman to diba? Hahaha yung mga ganyan nakakaasar 😂 pero wapakels na talaga, gumawa sila ng sarili nila baby. Hahaha cute nga ng name naisip nyo e. Push mo yan Mi 😊

Magbasa pa