Pa share po
Asawa ko po naka duty sa malayong lugar for 15 days, tapos day off nya ng 8 days, umuuwi naman sya. Dalawa lang po kami ng anak ko dito sa bahay tapos ako lahat gawaing bahay syempre. 6 months pregnant ako pabigat ng pabigat na si baby mejo mahirap na gumalawgalaw. Monday to friday hatid sundo sa panganay tapos sabado maglalaba ako sunday sana palagi rest day. Pero pero kung minsan kasi ung anak ng ate ko pinapabantay sakin kasi si lolo nya ang nag babantay. Anak sa kabit kasi ung bata kaya walang ama. Gusto ko man tumulong pero yung pagod at stress ko... Nakakaiyak na kung minsan... Pinagpra2y ko nalang healthy baby ko...
Anonymous