Mother-in-law

Pa-share lang po ako mga mamsh. Mabait ang mother-in-law ko. Mula pagkapanganak ko 10 days ago, tinutulungan nya kami mag-alaga kay baby. Sila ng sister-in-law ko ang nagpapaligo kay baby, kasi di pa ako marunong. Pinaghahanda din ako pagkain. Wala akong masabi kasi mabait talaga sila. Pero nalulungkot din ako. Kasi madalas sabihin ni mama (MIL ko) na ang liit daw ni baby. Halos buto't balat na daw. Araw-araw ko din naririnig sa kanya na pagformulahin na daw si baby. Hindi daw kasi sapat ang gatas ko, saka iba pa daw yung poop ni baby. Halata daw na hindi nabubusog. Totoo, maliit si baby. Kasi premature sya. Pinanganak ko sya ng 34 weeks lang. Pero ginagawa ko naman ang kaya ko para maprovide ang gatas nya. Halos wala na nga akong tulog kasi dede sya ng dede sa gabi. Ang sakit na nga ng likod ko kasi kakalapag ko lang kay baby, maya maya iiyak na naman para dumede. Nakakailang palit na ako ng damit kasi tulo ng tulo ang gatas ko. Pero hindi pa din ba sapat yun? Bakit sila ang magde-decide na iformula ang anak ko? Alam naman nating lahat na the best ang breastmilk. At isa pa, espesyal ang gatas ng premature babies. Wala nga kaming work ngayon ng asawa ko, yung kaunti naming pera na pinagkakasya sa araw-araw eh ipapambili pa ba ng gatas? Eh alam ko namang hindi kailangan yun kasi nga kaya ko namang i-EBF si baby. Hindi ko nalang sinasabi sa asawa ko na nalulungkot ako everytime na maririnig ko yun kay mama. Alam ko naman kasing mabuti ang motibo nya. Saka hindi nya rin siguro naisip na nasasaktan ako everytime na maririnig ko yun sa kanya. Di ko lang maiwasan talaga na malungkot. Ginagawa ko ang makakaya ko para sa anak ko... Pero feeling ko, I'm not good enough. ☹️ #advicepls

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mommy kung tulo nang tulo ang gatas mo ibig sabihin more than enough siya for your baby. Breastmilk is still the best talaga. Kahit hindi premature ang baby, hindi naman talaga agad agad tumataba. Tataba rin si baby eventually. Nakakafrustrate ung situation mo. Just hang in there. Be strong. You are enough.

Magbasa pa
4y ago

thanks for the very encouraging comment mamsh. 😊 I appreciate it po! may usapan nga kami ni baby na ipoprove namin sa kanila na strong at healthy sya. na tataba din sya ❤️