Rant: Byenan na sa una lang mabait
Pa rant lang po sobrang sama ng loob ko gusto ko ng saktan sarili ko kaya ilalabas ko na lang dito. Note: long post ahead Kakapanganak ko pa lang 1month ago. 1 year and half na po simula nung nakitira sa boyfriend ko kasama magulang nya. Nabuntis ako last year at kakapanganak ko lang. Simula nanganak ako ilang days pa lang palagi ako pinagsasabihan ng byenan kong babae na mahilig sa pamahiin ako di ako naniniwala don okay lang maniwala don pero wag mong pipilitin ibang sila din maniwala. Wala ginawa kundi pagsabihan ako at nasabihan pa kong Gagi daw ako kasi pinaliguan ko anak kong puro dugo ang ulo since nanganak ako kasi daw dapat 1 week pa kasabay ko daw maligo kasi pamahiin. Sabi ko sabi ng pedia yun paliguan paguwi napagalitan pa ko. Naistress ako sa kanya kasi dami nyang sinasabi pa lagi kaya umuwi ako samin muna, naawa ako kasi namiss nila apo nila kaya umuwi ako sa kanila ulit kasama Asawa ko, pagdating don tiniis ko mga sinasabi nya ulit at hinayaan ko basta ginagawa ko role ko bilang Mama sa Anak ko at since marunong ako magalaga ng bata hinayaan ko na lang sila dahil di naman nila naalagaan nagiisa nilang anak nung newborn pa. At nung nandon ako di ako makapag pahinga antok na antok ako bilang newborn anak mo lagi kang puyat, kaya kinaumagahan pag tulog anak mo dapat sasabayan mo, ang case ko di ko masabayan kasi ayaw ako patulugin ng byenan ko. Kaya for the last time last resort umuwi na muna ko ulit sa bahay namin kasi don may tumutulong sakin na padedein anak ko palitan ng diaper pag burp, mga simpleng bagay na ganyan di alam gawin ng mga byenan ko pero di ako nagsalita sa kanila pero sila nagsalita sakin chinat asawa ko na bastos daw ako kasi di ako kumikilos ng bahay puro daw anak ko iniintindi ko, last uwi ko di daw ako nagpaalam sa kanila kaya ngayon nakipagusap ako masinsinan sabi ko uwi muna ko samin tapos ngayon sabi di daw ako nagpaalam sa kanila nung sumakay na paalis, lahat na lang big deal bilang ikaw nanay dami mo iniintindi mga gamit etc. pati anak mo binabalot mo maayos tapos di ka lang nakapag sabing "alis na po kami" big deal na sa kanila gusto nila perpekto ka? Simula lang yan nanganak ako walang konsiderasyon na pagod ka wala kang tulog lutang ka na gusto nila ma meet pa expectations nila sayo. Gusto nila pati sila aalagaan. Samantalang ang tagal ko don kilala nila ko kumikilos talaga ko alam nilang di ako tamad kasi kung tamad ako di ko aalagaan anak ko di ako magpupuyat sa anak ko, alam nilang newborn anak ko isipin nila sila pa din ang pagsisilbihan, sa bahay namin kinukuha pa ng pamilya ko anak ko para makapag pahinga ako kahit 3hrs straight lang makatulog, di ako pinapakilos sa bahay basta anak ko asikasuhin ko. Tapos sa kanila gusto nila pati sila pagsilbihan ko, oo pakikisama pero pagpahingahin nila ko patulugin nila ko makikita nila i general cleaning ko pa bahay nila. Sana lang pag tayo naging byenan na din magkaron tayo konsiderasyon sa bagong panganak na manugang. Kala ko swerte na ko sa byenan mali pala ko. Eto ang best advice na maibibigay ko sainyo, kahit gano talaga kabait future byenan mo, bumukod ka, kasi lalabas at lalabas ang ugali nila, magkakasamaan kayo ng loob dahil may masasabi at may masasabi sayo. Sarili kasi nilang pamamahay yon kaya kokontrolin ka nila kaya dun ka sa sarili mong bahay wag ka papayag na di ka ibukod ng Asawa mo responsibilidad nya yon. Best advice yan believe me. Para civil lahat. Pasensya na kung naistress ko kayo lalo na ang mga buntis. Gumaan na loob ko..