desperadang ex

Pa rant lang po mga mumsh, I have no one to talk to about this issue kasi. At stress na stress na talaga ako. Ito kasing ex ng partner ko and her friends were posting pa rin on social media, about my partner and that girl na ang sweet sweet nila although throwback photos nalang at old convos. At alam naman po nila yung kalagayan ko, sobrang maselan ako I'm 19 weeks pregnant. Dinudugo ako ng malala, 2 months na akong bed rest at bawal na bawal ang stress. :( Bakit kasi may mga nabubuhay pang mga insensitive na tao? Almost 1 year na silang wala and still ganon pa rin ginagawa nung girl. Naiinis talaga ako, parang they're doing it para mas lalo pa akong ma stress at may mangyari masama samin ni baby. Ayokong ma stress at ayokong mawala si baby, pero hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pag ganon. Ako lang ba nakakaranas ng ganto? Sorry mumsh if u think that I'm just overreacting. Please respect ?

38 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis wag mo nlng pansinin, wag ka pakastress sa mga ganun tao.. ipagpray mo nlng at kausapin mo maigi c hubby mo na focus kayo ke baby. kung pano mo man nalalaman ung mga post na un iignore ko, iunfollow mo.. kahit ano pa man wag mo nlng pansinin kase nasa huli ang pagsisisi baka mapano pa kayo ni baby kung iisipin at dadamdamin mo pa ung pag iinarte ng ex ni partner mo. Pray lang at pakita na ikaw na ung present at mahal ka ni partner mo

Magbasa pa
6y ago

I already did unfriend, block and unfollow them sis. Maliit lang po baranggay namin, and friends din sila ng family namin. Kaya nalalaman ko pa rin, I'll try not to get affected nalang talaga siguro. Thank you sis 💛