TOXIC WORKING ENVIRONMENT! SORRY LONG POST AHEAD

Pa rant lang po kase hindi ko alam kung ako lang ba tong naiistress o talagang nakakastress talaga. So ganto 4 months pregnant na po ako ngayon nagistart po to nung nag bleed ako habang nasa work ako last June 2022 actually iilan lang din nakakaalam na buntis ako kase may 2022 katapusan ko lang nalaman na buntis ako so ang nakakaalam lang hr tyaka mga close friend ko sa work. Syempre nung time na dinugo ako nag paaalam yung kaclose ko sa work na sasamahan nya ko sa hospital (ER) kase maraming dugo yung lumabas sakin syempre na shook yung Isa namin ka work na matanda kase d nya alam.(matandang dalaga sya guys and Kapatid nya yung Asawa Ng boss namin) So sa kanya sinabe Ng ka work ko para nga makalabas kami. Nagpanic mga ka work ko pero yung nakakainis dun is alam na nilang dinugo ako pero Wala man lang concern na ihatid kami sa hospital nagcommute pa kami. Marami pong sasakyan Ang company namin. Sabi ba Naman nung matandang ka work ko na" Yan nagpapabuntis pa kase laking perwisyo" "nakikigaya sa mga may anak na dito sa office" etc like nabanggit lang to Ng Isa Kong ka work na sinabi nya yung nung time na nasa hosp kami. Balak ko po mag resign na lang pagkapanganak ko dahil po sobra na po ugali hindi lang po sakin pati sa ibang nga ka work ko nagmumura at pag may symptoms ka ng COVID iisprayan ka harap harapan Ng Lysol. Wla po kami magawa kase Kapatid sya Ng boss namin hays. Pls advise kung ano pong masasabi nyo #advicepls

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Toxic din work ko before ko, alam ng manager namin na nasa 1st trimester ako non medyo maselan pero inuutusan niya kong mag akyat baba. After nun sumakit puson ko, dinugo ako that night, kinabukasan nag padoctor ako nalaman namin na my blood clotting ako sa loob nauwi din sa miscarriage. After ko maraspa nag bakasyon ako ng 2mons diniretso ko ng resignation kasi di pa ko magaling tinatanong na nila kung pwede ako bumalik ng mas maaga sa 2mons na allocated ni sss sa na miscarriage. Naghanap ako ng new work, and thank God sobrang bait at maintindihin ng company at boss ko ngayon 7mons pregnant ako ngayon pinag wwork from home nalang nila ko. Minsan pupunta ng office pag kailangan. Don't settle for less, pag ganyan environment sa work.

Magbasa pa
3y ago

Nagalit siya and yung family ko, kaya we decided na hindi na ko babalik after ng nangyari. Isipin mo muna si baby for now, mahirap mastress habang preggy nararamdaman ni baby.