Solo parent
Pa-rant lang.. kasi may mga panahon na di ako maka-cope kahit anung positive thinking gawin ko. Minsan naiisip ko mas mabuti pa siguro ang solo parent kasi wala kang inaasahan na katuwang. Kay God ka lang talaga kakapit. Ako kasi minsan, nakakahiya man aminin, diko magawang magpasalamat sa extent ng suporta na binibigay ng mister ko. Kasi minsan yung mga panahon na mas kailangan ko ng makakasama, ayun tulog sya. Haaay. Kaya eto. Most days parang mag-isa lang talaga akong sumusubaybay sa milestones ni baby at gumagawa ng paraan para madevelop sya. Mag-isang nag-aadjust sa schedule ng pagtulog ni baby, at sinisikap na magkaroon siya ng healthy, consistent routine.. Mag-isang isinasakripisyo ang pagligo, pagpunta sa CR at minsan maski hapunan para lang hindi masira ang schedule ng pagtulog ni baby.. Minsan mas maigi nga siguro matuto "sumayaw" sa buhay ng mag-isa. Kaysa nman maturingan na may partner ka, di ka naman maisayaw dahil...tulog siya.