So pa-rant lang ako.
Almost a month na baby ko nang magdesisyon kami ng husband ko na umuwi sa Marikina, umupa ng bahay near my parents. Sinabi namin to sa byanan ko at nag insist siya na siya na magbabayad sa upa namin basta makikisama kami sa lola ng asawa ko. Pumayag ako kasi ang usapan eh, kahit magkasama sa bahay, walang pakielamanan. Naawa din naman ako sa matanda dahil tinapon tapon na ng ibang anak at tanging byanan ko na lang ang nagmamalasakit sa kanya.
Ang usapan, oct 10 pa siya dadalhin sa bahay para di kami nagmamadali sa paghahanda ng kwarto niya. Mahirap kumilos kasi maliit pa baby ko kaya baby steps din kami sa pagkumpleto sa mga gamit sa bahay. Pero makulit ung matanda at ang ending, nadala siya samin ng mas maaga. Nagahol kami sa pagayos ng kwarto nia, nagkanda puyat puyat pero cge ayos lang. Matanda na kaya inintindi namin.
Tapos eto na nga, bagong bago bili ung gas range namin. Pangarap ko talaga magkaron nun at now na malaki na kitchen, nakabili na kami ni hubby. Unfortunately, nabasag ng lola ng hubby ko ung glass cover at di ko matanggap ung way pano siya nabasag.
Nagsalang daw ung lola ng hubby ko sa induction nang nakasara ung glass. Nakita naman agad ng asawa ko kaya hinila nia palayo lola niya, pinatay ang kalan at tinaas ung glass. Sinabihan nia twice na wag galawin ung glass at hayaang lumamig on its own kaso itong lola pinunasan ng malamog na basahan ung glass kaya ayun, basag! Wala pa 2 weeks ung gas range at napakapanget na. Iniyakan ko ung gas ramge na yun kasi bagong bago. Napaka ingat ko dun tapos itong lola na to, sisirain lang?!
Habang tumatagal, lumalabas ang pagiging feeling entitled niya sa bahay. Madalas magparinig, makielam sa pano namin alagaan baby ko at ginugulo asawa ko tuwing nagtattabaho dito sa bahay. Kahit ilang beses namin sabihin sa kanya yung rules, di siya nakikinig. Pag ginusto niya, gusto niya kaya yamot na din asawa ko sa mismong lola niya.
Hay nako.. may PPD na nga ako, dumagdag pa ung matanda. Kakabwisit.