Breastfeeding problem
Pa help po mga mommies jan, ito po nangyari, nung 2 weeks palang ang baby ko pina stop ko syang mag dede sa akin pina bottle feed ko sya , pero nung nag 1 month na sya pinabalik ko sa pagpapa dede sa akin kasi madalas syang iyak nang iyak, kaso lang pag dumedede na sya sa akin, saglit nalang tsaka umiiyak sya kasi siguro hindi na sya malakas mag supply, hanggang sa na stop na naman at ngayon ibinalik ko na naman pagpapa breastfeed kaso napansin ko pag unang sipsip nya may lalabas pa pero pag matagalan na kakasipsip nya iiyak na sya kasi wala ng masipsip maliit nalang lalabas na gatas, pero palagi akong umiinom ng mga may sabaw tsaka umiinom din ako ng tabletas na pangpa gatas, kaso lang yung tinatawag nilang "GUTOK" yung titigas ang dede ba, hindi na sya katulad nung dati, laylay na sya tsaka di na sya sobrang tigas, may tutulo lang na gatas tapos mawawala rin agad tapos pag pipisilin ko maliit lang na gatas lalabas. Pa help po ano ba dapat kung gawin para manumbalik ang gatas ko para ma breastfeed kuna sya hindi na mag mix. Please pa help po ako sa mga may experience na sa problem ko pa help kung ano solusyon. Magagalit kasi sya pag nagdede sa akin kasi wala syang masisipsip tsaka laylay din para talagang walang laman ba.
Blessed with a daughter