Advice walker or high chair mag 6 months na po baby ko

Pa help po d ako mka pag decide Kung ano bibilhin walker ba or high chair #pleasehelp #advicepls #FTM #firstbaby

20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

High chair po, hindi na kami nag-walker, not advisable. Very useful ang high chair, not only for eating pero for other activities din like playing with toys, drawing, etc. Regret ko na 11 months na si lo nang bumili ako ng high chair, I wish I did so sooner. Ang laking convenience din sa pagkain. At 1yo, kaya na nya kumain mag-isa... Ok lang na magkalat sya ng husto sa high chair nya ☺️ Now at 2yo, nagagamit pa rin nya.

Magbasa pa

high chair. wag ka na mag walker kasi mabilis yan malalakihan ska mas madali makakalakad ang baby if wlang walker dhil gagamiti nya tlaga katwan nya unlike kapag may walker magging dependent sya dun. High chair nalang kasi hangganv 2yrs magagamit mo until hnd magsawa baby mo

1y ago

may high chair po naconvertable as low chair at lamesa katulad ng high chair ng pamangkin ko nalimutan ko lang kung anong brand mas matagal nyo po magagamit yun

high chair para mas matagal na gamitan. sa ngayon kasi di na advisable ang walker dahil nagiging dependent ang legs ng baby sa walker, mas okay kung matuto sila manually para ma-exercise mga muscles nila.

mas prefer ko high chair ...atleast matagal mo siya magagamit pag pinapakain hindi siya naglilikot ...mas madali turuan sa feeding ang baby kapag nakahigh chair ...mas madali pang pakainin ...

high chair. di po advisable ang walker sa totoo lang konting tyaga lang sa pag papalakad and matututo na din sila without it. ung high chair naman pang matagalan at di ka mahihiparan sa pagpapakain :)

High chair po, mas matagal mo pong magagamit. Worth it ❤ Basta yung matibay po yung lock. Until now mag-2 na lo ko gamit niya pa rin. Wag na po mag-walker nakakadala 😭

High chair na lang, momsh. Hindi naman daw maganda for development ang walker kasi may effect sa muscle strength at control ng baby. Better pa na hayaan ang baby gumabay.

VIP Member

high chair po, kase nung nag ka high chair ang baby ko di na masyado nagagamit ang walker. tsaka mas mabilis nakalakad ng anak ko nung walang walker siyang ginagamit

Hindi po required ang walker mas maganda daw po natural sya matuto mag lakad. High chair mas magagamit nya yan din bibilhin ko kasi malapit ma mag kain baby ko.

at 6mos kakain na si baby so dapat may High chair talaga... Pero kung bibili ka ng Walker yung Push Walker ang piliin mo mas safe and advisable ng mga Pedia