Practical mommy
Pa help ako mga mommy especially sa mga hindi na nagpa gender reveal dyan. Any idea sa mga mommy na hindi nagpa gender reveal pero ginawang special moment yung pag sabi ng gender kay partner? Subsob kasi sa work si mister kaya ngayon nya lang ako hindi masasamahan magpa check up. Gusto ko sana magpa gender reveal pero naisip ko imbis na roon ko gastusin ay sa mga gamit na lang ni baby. Any idea mga mommy ano pwedeng gawin para kahit papaano maging special pa rin ang gender reveal ni baby kahit sa amin lang ni partner? Hehe #pleasehelp #advicepls #firsttimemom #respect_post #firstmom #firstbaby

same tayo mii. hindi na din ako nag gender reveal party. baby shower ang pinaghahandaan ko atleast alam na ang gender hindi na hirap sa gifts. yung makukuha gifts dun yung kulang na lang bibilin ko. pwede intimate surprise kay hubby ang gender reveal. pwede ka pacustomize ng small cake lang na may color sa loob mas makakamura ka dun. pasabayan mo na din ng small cupcakes para sa mga kids kung may bebe na kayom lahat sila sabay sabay magbite ng cupcakes. pero pinaka matipid ang baloon pop lang. hahahaha! isang big baloon at may confetti lang sa loob ng color. makalat lang mii. ☺
Magbasa paIpa envelop mo result mi, then sabay nyo buksan ni hubby. Plan ko sana yon, kaso nagpa utz ako sa isang mall kasi napraning ako that time. Tapos wala man lang pasabi yung ob!!! Sinabi kung anong gender kaloka! Ayun, sinabi ko nalang agad kay hubby pag labas ko ng utz room. Pag magpapa utz ka sabihin mo agad. 16wks lang kasi ako non kaya di ako nag eexpect na makikita na pala kaya di ako nakapagsabi na wag sana sabihin. Pero kahit na haha. Sa daming ob na natry ko, lahat nagtatanong if alam ko na ba gender or mag gender reveal.
Magbasa paBalak ko sana din mi mag gender reveal kaso naisip ko yung gagastos ko dun dagdag na lang kay baby. Dun sa pinapagultrasound namin, usually bawal ang kasama. Pero nung nag CAS ultrasound ako, nakiusap ako kung pwede isama si hubby in case makita yung gender. Buti mabait yung OB Sono and pinayagan si hubby. Special na para samin yun, kasi 1st time nya makita si baby ng live sa ultrasound tapos todo explain pa si OB Sono sa mga body parts ni baby 🥰
Magbasa pabili ka shoes ng baby kung girl or boy tutal magagamit niya yan shoes pag infant na siya tapos ibalot mo kasama nung ultrasound🥰 at ibigay kay hubby as gift... or kahit dress or baby boy clothes .. kung nag oorder ka naman sa shopee dun ka bumili tapos pwede mo pakiusapan si seller na gawin surprise or kahit as parcel lang talaga at hayaan mo si mister ang magbukas ng parcel pagdating😆
Magbasa paHay nako mii, ako naman, no need sa gender reveal dahil kapag si jusawa ko ang nagsabing "lalaki yan kahit magpaultrasound ka mismo ngayon".. kagaganyan kagaganyan nya naka3 lalaki tuloy kami. Currently 30 weeks na ako,ayaw magpakita ni bunsoy pero si jusawa panay "babae na yan".. o mas makarunungan pa. Let's see nalang kung Tama sya this time 😂
Magbasa paWala kami gender reveal, hindi sa wlaa kaming pera, kundi ayaw ko lang po talaga gumastos 😅 nagpa check up po ako mag isa. Susurprise ko kasi si hubby. Pag uwi ko ng bahay, inabot ko lang sa kniya yung paper 😅 we were both praying for a baby boy, at baby boy nga si baby, kaya sobrang saya ni hubby.
Magbasa paAfter ko magpa CAS, nagrequest ako kay hubby na magpunta sa simbahan. Dun namen sabay na nalaman yung gender ni baby. Nagrequest kasi ako sa doctor na wag sabihin saken habang inuultrasound. Ang sarap sa feeling. Nag video nalang ako ng reaction namen para isend sa family and friends.
If you're planning for a private gender reveal,pwede mo i-surprise si Mr. ng decorative displays ang house niyo. Like sa mga movies lang,kunyare walang tao tas pagbukas ng ilaw surprise!!! Kahit common na sya pero it's the thought that counts padin.
hi, mi! sabihin nyo po sa doctor wag sabihin gender sa inyo. sabay nyo po iopen yung envelope paguwi ng kayong 2 lang (para masaya po magiyakan kayong 2 sa tuwa) or sa harap ng pamilya nyo na kasama nyo sa bahay tas merienda lang po kayo.
pwede po kayo bumili ng gender reveal party popper nasa 80+ pesos lang po yun, tapos videohan mo or picturan reaction nya para man lang may moments man lang kayo sa gender reveal ni baby. Simple yet wholesome 👍🎉