SANA PO MABASA NIYO TOH

Pa advice naman po mga ka nanay! Ako po ay 26 years old. Nanay ng isang batang babae na dalawang taong gulang. Alam ko po sa sarili ko na dumadaan ako sa depression. Siguro dahil wala ako nakakausap.. nasasabihan ng mga bagay na dapat kong mailabas. Dumating pa sa puntong gusto ko nalang mawala sa mundo. Madalas umiiyak nalang ako. Tapos sinasabi ko nalang na nanonood kasi ako ng nakakaiyak. 😭😢 Naaawa ako sa sarili ko. Yun bang.. Naikukumpara ko nalang yung sarili ko sa iba. Buti pa si ganito si ganyan. Ang baba na ng tingin ko sakin. 😢 Simula kasi nung naglock down at after lockdown parang natakot nako lumabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit naging ganon pero baka dahil sa itsura ko. Dina ko gaya nung dalaga pa ako. Araw araw ko pang iniisip kung ano pabang paraan kung paano kumita ng pera. Minsan gusto ko nang maglako kaso lang wala akong mapag iiwanan ng anak ko tapos dumedede pa sakin.. Huling beses na nakapagtrabaho kasi ako mga 2017 or 2018 pa dahil nagbuntis ako at kinailangan ko magpahinga hanggang naging full time mom ako dahil wala namang ibang mag aalaga sa anak ko.. Buntis palang ako sumubok ako mag tinda.. May munti kaming tindahan sa labas ng bahay.. Tapos nagbenta ng mga damit. After ko manganak nagpahinga lang ako tapos nagtinda naman ako ng meryenda at leche flan. Yung meryenda nahinto na kasi sabi ni MIL, maliit lang daw tubo tapos pagod pa.. (Kahit ako naman yung namimili at nagluluto) Tapos yun din sabi ng anak niya.. Nakakapagod daw maghintay ng bibili.. So hinto na para wala nalang gulo. Yung leche flan tuloy parin per order nga lang.. Sa totoo lang.. Kung pwede lang ako magtrabaho na kasama anak ko.. Gagawin ko kaso may pandemic tayo mahirap sumugal. Masakit lang kasi isipin na porket nasa bahay akala pasarap kalang lagi na naghihintay ng sahod.. Naapektuhan din kasi partner ko kaya yung sahod nila nabawasan tapos umuupa pa kami.. Hindi ko na talaga alam ggawin.

6 Replies

VIP Member

Alam mo mommy mas malaki problema q kaysa sau hehe pero eto aq lumalaban .. marami po way pra kumita kahit pandemic masakit sa ulo kakaisip pero tlgang may mga paraan imbis na mag reklamo tau o magdahilan gawan ntin ng resulta aq puro online gngawa q at kahit papano nkakaraos kami ndi rin kc aq mkpag apply dhil c baby nadede din skin kaya sa online tlga nghahanap ng pera qng may talent ka sa pagluluto like ng gngawa mo ituloy mo lang hayaan mo cla ang mahalaga gumagawa ka ng paraan👌🏻

Mag focus ka po sa kung ano ang mahalaga sa'yo para di mo kailangan compare ang sarili mo sa iba. Yung problema po sa pera di ka nag iisa maraming naapektuhan dahil sa pandemya. Pag usapan nyo ni hubby kung gusto mo tumulong kumita ng pera. Wag mo sarilinin. Be positive lang wag mawawalan ng pag asa. Pray lang pag kung anu ano na naiisip mo. Wag bibitiw sa buhay isipin mo ang anak mo.

sis, lakasan mo loob mo. kung trabaho inaalala mo, madami ng home based jobs ngayon. sali ka sa Filipina Homebased Moms na fb group para matulungan kang makapagstart. Kapit and pray lagi. malalagpasan mo din to.

Mag-usap kayo ng partner mo, momsh. Wag mong sarilinin. Dalawa kayo gumawa kay baby kaya dalawa kayo dapat ang magdesisyon. Ipaintindi mo sa kanya yung sitwasyon mo.

bat dimo iwan sa parents mo sis

asan ba partner mo sis

MAG BASA KA PO.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles