AYAW TUMIGIL NG IYAK ANG 24 DAYS OLD KONG BABY

Overfeeding na ang baby ko lalo na pag formula milk pinaiinom ng lola nya isipin nyo 24 days old palang sya pero binibigyan nila halos 4 oz kapag umiyak pa ulit baby ko gusto timplahan ulit para lang tumigil sa iyak. Naaawa na ko sa anak ko Di ako makapagsalita kasi mother in law ko yun at nakikisama lang kmi ng asawa ko pa sa kanila. Di ko alam pano ko gagawin o sasabihin nagkataon pang nagkasipon ako at giniginaw pero Di kao nilalagnat may at maya ko nagtetemperature just to make sure at naka face mask ako. Di pa magawang ipaburp yung baby ko gusto patulugin ako ano ba ang pede king gawin. Ang hirap lang kasi sila nga may ubo at sipon pero buhat ng buhay sa baby ko Di pa sila naka face mask may times na inuubo na tuloy baby ko at madalas tuloy masamid at maglungad naaawa na ko sa anak ko parang lagi syang hirap huminga 😒😒

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

may napanuod ako video sabi pag overfeeding daw si baby sa liit p ng lagayan nila ng food yun gatas napupunta sa ilong kaya nagkakasipon at minsan may madalang n pag ubo at kaya nagkakahalak. Baby ko gusto dede ng dede na over din sinusuka nya kaya ginagawa ko everytime n umiiyak hele ko nlng sya at every 3hrs ko pinapadede ng 2-3oz 1 1/2 n sya ngayon.

Magbasa pa

if gusto nyu po na lowkey silang masita, kapag nkapagpa check up si baby, i reason out nyu po na advise ni doctor bawal po ung ganito ganyan. if para naman po sa safety ni baby, ok po na ivoice out nten opinion po nten, in a nice way po para iwas gulo hehe. pero mas okay po tlga if makabukod kayo mi. keep safe po sa inyo ni baby 😊

Magbasa pa

una mi bumukod na kayo masakit man pero mas magkkaron kayo ng power sa sarili niong pamilya. try mo sabihan minsna na ma kakapa dede lang paburpin ko muna. plus anak ko yan may say ka dapat lalo uso pneumonia sa bata ay mommy hnd pwede lumapit ang inuubo

11mo ago

Meron kami sariling bahay kaso di pa tapos gawin mi kaya di kami makabukod pa. May times nga na parang umuubo na din baby ko tsaka madalas masamid kahit nakaelivate naman ang ulo nya nakakatakot po sobra. First time mom pa naman ako. Lapit pa naman ng bumalik sa barko asawa ko pano pa kaya kami ni baby.

Halik pa sila ng halik sa baby ko aysss 😒😒