Orange stain/ baby Uti/ baby Circumcision

May orange stain si baby sa diaper niya from wee. After 3 days na ganun pinacheck up na nmin siya. Pinakita ko sa doctor yung picture ng stain then pinaurinalysis agad siya. Sa result may uti si baby then pinagantibiotic siya for 7 days after that bumalik kami sa doctor pero may orange parin sa diaper niya. Pina urinalysis ulit siya then sa result may uti parin si baby. Then sabi ng doctor ipaultrasound siya Renal, SGOT,SGPT,ABDOMINAL UTZ,HBS ANTIGEN, HEPA A IGM. Andami niyan for his young age. 4 months palang siya. Natakot kami , kaya naman pumunta kami sa ibang doctor for second opinion. Nung pinakita namin yung stain sa doctor at yung mga result ng urinalysis niya, pati yung request ng isang doctor na siyang kinagulat niya dahil andami daw. Nirefer kami sa ibang doctor dahil hindi na daw niya maaano. So pumunta kami sa doctor na yun then inexplained ko lahat binigay ko urinalysis result. Pinakita ko rin yung diaper ni baby. Then chineck yung penis ni baby and she said pangatlo na raw baby ko naging patient niya with same case. May binanggit syang tawag dun pero nakalimutan ko. Then sabi niya kailangan daw operahan or tuliin si baby dahil maliit daw yung butas hindi makalabas laht ng wewe niya naiipon kaya nagkauti siya and yun din reason kaya may orange stain. Pero before siya tuliin kailangan muna magamot ang infection para hindi kumalat so nagrequest siya ng urine culture and sensitivity para malaman kung anong antibiotic ang makakagamot sa infection niya. Cefexime yung unang pinainom sa kanya pero hindi nawala infection. Tinanong ko rin if pwede siyang uminom ulit ng antibiotic kahit nakainom na siya and she said oo daw sometimes daw mas umieffect yung pangmatandang antibiotic,yung tablet ba. So ayun share ko lang naman. Huwag nating ipagwalang bahala kung may nakikita tayong hindi normal sa baby natin. Check up agad. And also para sa ikakabuti ng ating baby ask for second opinion, kung nagaalangan ka sa mga procedure na ipapagawa sa baby mo.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hello meh . magtatanong lang sana ako if natuli napo ba baby nyu po? kmusta napo baby nyu. baby ko rin kasi may uti tapos narin kami sa days antibiotics at ng negative narin sa follow up lab last² week. kaso this few days napansi ko madilaw kulay ng ihi niya.🤦na kaka woried

Magbasa pa
1y ago

Hindi pa mi, nagaantibiotic pa sya. kapag tapos na sya magantibiotic at magnegative na result saka siya ischedule ng surgery