26 Replies

Simula na andito si Doc Shayne mas napadalas yung pag open ko ng app na to kasi naeexcite akong basahin post nya. Alam mo kasi may makukuha kang importanteng info at malaking tulong tlga saten na mga mommies. Sana mas naging pasensyosa tayo kung nmisenterpret nyo ung the way sya magpost gaya din ng pagpasensya at tyaga nya sa pagsagot isa isa sa mga tanong naten. At nsa atin nman yun kung susundin o hindi mga sinasabi nya since may kanya kanyang OB din tayo. Ansaya lng na may another OB tayo at libre yun ha😆. Anyways nangyari na ung nangyari kaya move on na lng tayo kahit nakakapanghinayang. At least d na din masstress si doc sa mga nambbash sa kanya ganun din ung ayaw sa kanya kasi wala na silang mababasa na post ni doc.

Ohh! Kaya pala di ko na mahanap si Doc Shayne dito. Myghad! Sa bashers Kayo na ngang binibigyan ng free medical advises na mismong galing sa OB, kayo pa may ganang mambash. Nakakaloka! Let's spread positivity here sa community kasi stressful na nga magbuntis dadamay nyo pa ibang tao. If you don't like her advise then dont read it, simple as that! Wala naman namimilit na sundin nyo un. Hahaha! Sya nga isa sa mga nakakapag pagoodvibes dito. Lol

VIP Member

Ok naman si doc. Cool nga sya eh tsaka may mga question ako sa OB ko na nakakalimutan ko itanong pero natanong ko kay Doc Shayne. Ok naman for me the way sya mag post, COOL. Mas naiintindihan ko post nya kasi hindi sya masyado gumagamit ng technical terms. Madami ako natututunan sakanya. Tama sabi ng iba, may kany kanya tayong bet. Kung d nyo bet si doc, pwede naman d na magbasa at wag na ifollow si doc. Bakit kailangan pa ibash?

actually hindi ako against the way Doc Shayne leave her comments or opinions, may Tao lang kasi na ganun akala mo galit,akala mo inis pero hindi naman pala, besides bakit naman siya mggalit kung wla nman dapat ikagalit.. For me, it's not the way she say it but it's how we take it. Ako tinitake ko mga payo nya positively kaya natutuwa and excited ako kung may bago siyang post, hindi boring-nkkatawa minsan pero may mkukuha kang aral..

Ako naman personally, natatawa ko sa manner ng pagsabi ni Doc Shayne. Siguro nga may mga natamaan lang sya at na-offend. Pero may sense kasi mga sinasabi ni Doc Shayne kaya iniisip ko kung sino man yung tinamaan e merong mga belief na walang sense. Hahaha, sorry.

Nako kung sa ibang ob yon at matitigas ulo masusungitan yung mga bashers na yun. Tama lang naman pag approach ni doc. Kahit saang ob kapa pag matigas ulo mo papagalitan ka talaga, kasi para sa inyo din naman yang sinsabi nila.

Para sa akin nakakatuwa yung mga payo at post ni Doc shayne.. yung pamamaraan nya ng pagsasabi o pagpapayo, wala naman masama sa mga sinasabi nya. Concern lang sya sa atin :)

We're so blessed kasi may obgyne dito like doc Shayne na sumasagot talaga sa mga concerns and free Pa talaga.. Same sila ng ob ko ung walang paligoyligoy ung totoo talaga.

VIP Member

Ako i personally like the way she post, medyo kalog. Hinde nakakaboring basahin. Siguro yung iba naooffend masyado dinadamdam

Okay nga yung posts niya eh. I don't feel na pinapagalitan niya tayo. It's just her way. Parang close friends nga eh.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles