Pakikipag usap sa iba
"Okay lang po ba sainyo na mag add sa messenger ng random girl mga boyfriend niyo, para ichat at tawagan sa cellphone, para paglabasan ng problema niyong dalawa?"

No. Ang problema nyong dalawa, dapat kayong dalawa din nag-aayos nun. Kaya nga kayo in a relationship mamsh. Kayong dalawa ang nasa relasyon, kaya wag kayong magsali ng pampagulo, may hidden agenda at kakaibang intensyon. Intensyon na di makakatulong sa problema nyo ni boyfie. Ang problema nyo pwedeng dalawang formula dyan. Pwedeng pag-usapan nyo agad bago matulog para at ease na kayo at may peace of mind sa gabi palang at hindi na paghintayin hanggang kinabukasan. Or pwede din naman na tulugan muna sa ngayon, pag mas maayos na ang isip kinabukasan saka iopen ang pinag-awayan, dapat pareho kayong chill at open minded. Hindi yung tipong kakausapin nyo palang isa't-isa gusto nyo na magsaksakan agad. Be matured enough. Lahat ng problemang pang relasyon, may solusyon. Pero kahit kailan hindi naging kasali dun yung humanap ng ibang pagbabalingan ng atensyon. Lalo kung babae o lalaki na bubuwag sa inyong pundasyon. Andyan na kayo, keep fighting for what you have right now.
Magbasa pa

