22 Replies
hi sis, actually hindi ok na ferrous lang ang inumin mo.. iron lang kasi yun which is para sa dugo mo lang. need mo ng iba pang vitamins para sa bones nio pareho ni baby (calcium) saka sa development ni baby (folic acid) pede ka naman bumili ng generic sabi ng ob ko.. sa TGP mura lang ang ferrous+multivitamins+folic acid nila, less than 5pesos lang. tapos calcium carbonate nasa less than 2pesos lang. 😊
Yung sakin sis Ferrous with folic acid then calcium and meron pa isa nakalimutan ko. need mo po Ng calcium sis pra sa bones ni baby and folic pra sa development dn ni baby. Pero pwede dn nmn fruits ka nlng kung ndi ka makabili Ng gamot.
Need mo pa din mamsh ng ibang vitamins bili ka nalang kahit generic brand para makainom ka, dalawa kasi kayo nag hahati ni baby sa nutrients and vitamins kaya kailangan mo yun. 6 mons nako and 3 vitamins iniinom ko..
Maybe you can ask your OB for a cheaper alternative sa vitamins mo if that is your reason. Hindi kasi pwedeng puro Ferrous Sulfate lang ang iinumin mo, baka ikaw ang maagawan ni baby ng vitamins sa katawan. 😊
Sakin yung vitamins na nereseta sakin mom's choice ang pangalan. minsan lang ako mag take din. puro ferrous lang ako😬 pero more on gulay and prutas naman ako eh.
meron namang prenatal vitamins na mura lang mommy. makakahelp din kasi un kay baby at lalo na sayo.. mahabahaba pa ang pagbubuntis mo kailangan mo ng enough energy
Okay lang naman inumin mo yung sa center. Pero bukod po ba sa ferrous na reseta ng OB mo may iba pa po bang vits? 3 Vitamins na kase required sa ganyan stage eh.
May calcium din na binibigay ang center sis bukod sa ferrous pwede naman manghingi pag di ka na bigyan ng calcium.
25weeks nako 3 klase ng vitamins iniinom ko Sorbifer ferrous sulfate , obimin plus tsaka calvin plus
kailangan mo din kasi sa multivitamins sis para sa resistensya nyo ni baby at calcium para sa bones.
Anonymous